PIPAY SERIES Episode 11
Pipay Meets Her Cousin
“Felipa! Is that you?”
“Flesh and blood, it’s me. Who are you?” Natigilan ako sa tumawag sa buo kong pangalan. ‘Di ko siya kilala.
“Come on. It’s me.” At nagpa-cute pa.
“Who are you? Will I win a prize if I made the right guess of your name? So let’s cut this palpable vanity and state your name for the record!”
Irita kong banat sa kanya. Nagmamadali pa naman akong umuwi kasi napupururot na ako. Kumain kasi ako ng niluto naming egg sandwich sa school kanina. Sayang naman kung ‘di ko kainin, binili namin lahat ng ingredients nun.
“Whoa! What a dingy, tangy tongue you have there, cousin! And I must say your English is…uh…miriamic!”
“Cousin?! As in ‘somebody to whom somebody else is related through the brother or sister of a grandparent, great-grandparent, or an even older ancestor’?”
Pinsan ko daw siya. At kelan akong nagka-pinsan na Negra at halata namang nagpa-rebond lang .
“Without a doubt. It’s me, Johnette.”
“Johnette?”
“Yeah. As in, the only and ever only favorite granddaughter of Lolo Johnny. We have just arrived from Los Angeles, California, you know.”
Oh, that is so self-absorbed. Gusto kong sabihin sa California girl na ‘to that I’m not thrilled of her arrival. At isa pa, napapautot na ako. Pinipigilan ko lang kasi paniguradong sasambulat ang masaganang…uh…Cheese Whiz. Pinagpapawisan na ako sa sobrang muscle control ko.
“Nice to see you again. Enjoy your stay here at Pilipinas Kay Ganda.” Sabay kong tinalikuran at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nasalubong ko si Ban Tie, alagang aso ni Doray, at muntikan ko na itong maapakan. Sa pagkabigla ko, muntik na ring mag-erupt ang lava sa rectum ko.
“Thanks. See you later, alligator.” Narinig ko pang sigaw ni Johnette.
Ano daw?! Alligator ka rin! Hay naku, sana ‘wag na siyang magpakita pa sa’kin at baka ‘di ko siya matantiya.
Binalibag ko lang ang pintuan ng banyo namin at walang pasintabi akong naupo sa trono ng kaluwalhatian ng inidoro. Sabay lumigwak ang kanina pang nag-uumalpas na sama ng tiyan ko.
Natatandaan ko na siya. Oo, siya pala ‘yung anak ni Tita Cory na bunsong kapatid ni Nanay. Pero hindi Johnette ang pangalan niya kundi Juanita. Ipinangalan siya sa lolo naming si Lolo Juan dahil lang ka-birthday niya ito. Nguni’t subalit datapwa’t manapa’y huwag niyang sasabihin na siya ang paborito ng Lolo Juan.
Ako. Hindi siya ang paborito ng Lolo Juan, kundi ako. Ang lolo pa nga ang nagbigay ng pangalan ko, Felipa, kapangalan ng kauna-unahan niyang gelpren. Kaya nga ‘di kami close ni Lola Petra kasi lagi niyang naaalala ang ex ni Lolo sa’kin. ‘Di pa rin siya maka-get over, eh, siya na nga ang pinakasalan ng lolo namin. Pa’no naman kasi, ayon sa saling-dila, pinikot lang ng Lola Petra si Lolo Juan.
Bigla ko tuloy na-miss si Lolo Juan. Mapuntahan ko nga sa bahay nila.
SA BAHAY NI LOLO JUAN…
“Lolo, heto po ang lugaw na niluto ni Nanay para sa’yo. Binili pa namin sa Balintawak kaninang umaga ang mga sangkap niyan. Kainin nyo na po habang mainit pa.”
“Salamat, Pipay.”
At may kumatok sa pinto.
“Grandpa, here’s Minnesotan porridge minced with California ginger. Mom and I cooked this for you. Eat and indulge.”
“Johnette, ikaw pala iha. Tamang-tama at andito rin si Pipay.”
“Oh, hello again Felipa.”
“Hello, Juanita!” Magiliw kong sukling-bati sa kanya nguni’t diniinan ko ang pagkakasabi ng pangalan niya. Labanan na ‘to ng tunay na pangalan, pabahuan ng pangalan, ika nga.
“Ah heto pa po pala ang mga tsokolate na niluto pa ni Nanay kahapon kasi nagdala si Tatay ng mga buto ng cacao galing Bulacan noong isang linggo.”
“Naku, antagal ko nang ‘di nakakainom ng mainit na tsokolate. Ang sarap niyan sa umaga.”
“Here, too, Grandpa. Mom reserved these chocolates for you. Toblerone, Hershey’s, Cadbury, pick your choice.”
“Oh, those sweets are not allowed for Lolo. They are not good for the heart.” Biglang agap kong sabi kay Johnette. ‘Yun kasi ang sabi ni Mang Ambo, ang albularyong tumitingin kay Lolo.
“Oh, really? But they are imported chocolates.”
“Let me tell you this: The fat in chocolate consists of approximately equal amounts of oleic acid—a monounsaturated fat like that found in olive oil—and two saturated fats, stearic and palmitic acid. Medical studies have linked palmitic acid to increases in low-density lipoproteins, a form of cholesterol that is thought to promote atherosclerosis and heart disease.”
Paliwanag ko sa kanya. Naturo kaya ‘yun ni Mrs. Pineda sa Science class namin. Hmm, kabog siya sa explanation ko na ’yun.
“Well, recent studies we made at UCLA found out that stearic acid, however, appears to have a neutral impact on cholesterol levels. As a result, only about a third of the fat content in chocolate is thought to affect cholesterol levels.” Buwelta niya sa’kin.
“Alam mo, Juanita, huwag kang magmarunong dito kasi kararating mo lang. At tigilan mo na nga ‘yang kaka-English mo. Nakakain ka lang ng halo-halo na may snow na winalis sa basurahan ng California, aba, at tinalo mo pa mag-English ang Statue of Liberty. Kumain ka kaya ng maraming lugaw at nang bumalik ’yang pagka-Waray mo. Ang lakas na kasi ng tama ng expired na M&Ms sa’yo.”
Di na ako nakapagpigil. Ipinakita ko na sa kanya na ‘di ko siya gusto. Inaagaw niya mula sa akin ang atensiyon ni Lolo.
“Pipay, ano ka ba? Ngayon lang kayo nagkita ng pinsan mo at ganun ka na lang makapagsalita sa kanya.”
“Just let her speak for herself, Lolo. Maybe she’s just pagod cooking lugaw for you.” Wow. Very patient siya sa’kin.
“Bakit ‘di mo ako hampasin ng Louis Vuitton handbag mo? Huwag kang magbait-baitan dyan. Hindi ka anghel sa paningin ko.”
“Are you kidding? My Louis Vuitton? In your face? Not worth it. I don’t wanna have it scratched from the oily craters on your face. Blackheads and whiteheads, duh!”
“Negrang Waray ka! Pakukulutin ko ulit ‘yang buhok mong bagong rebond.” Sabay kong sinunggaban ang buhok niya at nagpagulung-gulong kami sa harapan ni Lolo.
“Tumigil kayo!” Sigaw ni Lolo. At bigla na lang hinawakan niya ang kanyang dibdib.
“Lolo!” Pareho kaming napasigaw ni Johnette.
“Heto ang salabat. Inumin nyo ‘to.” Agad kong alok kay Lolo.
“No, this one Lolo. This is mineralized water that had undergone twenty-four stages of purification and fortified with vitamin C.”
“O sige Lolo, inumin mo na ‘yang mineral water ni Juanita kasi pagkatapos mong maubos ang laman, ipapanguya ko sa kanya ang bote para matigil na siya sa mga kaartehan nya.”
Inasar ko pa siya ng todo habang ipinaiinom niya kay Lolo ang kanyang tubig.
Nahimasmasan na rin si Lolo pagkatapos ng ilang sandali. Nakaalis na rin si Juanita. At ako na lang nagbabantay kay Lolo. Ipinaliwanag niya sa’kin na mali ang naging pakikitungo ko sa aking pinsan. Kaya binalak kong puntahan siya ngayong gabi sa kanilang bahay para mag-sorry.
Maya-maya pa’y dumating si Nanay. Ibinalita niya na sumabog sa ere ang sinasakyang eroplano nina Tita Cory at Juanita kagabi. Walang nakaligtas sa mga pasahero ayon sa balita.
Hindi nakarating si Juanita? Eh sino 'yung negrang na kaaway ko?
Ako si Pipay. May nakaaway na multo.
P.S. Pinsan, sige ikaw na! Ikaw na ang maputi, straight ang buhok at pinakapaborito ni Lolo Juan. Sa’yo na lahat. At ‘di na rin kita tatawaging Juanita. Johnette na lang. Huwag mo lang ulit akong dalawin. Please. Huwag mo na akong dalawin pa, di naman tayo close ‘di ba.