Share it

Ano si Pipay?

Si Pipay ang maghahandog sa inyo ng katuwaan at pati na rin aral sa buhay! Basahin at sundan ang kanyang buhay-buhay.

Sunday, October 28, 2012

PIPAY SERIES Season 2 Episode 3 LOOKING THROUGH THE EYES OF...DORAY!

PIPAY SERIES Season 2 Episode 3 LOOKING THROUGH THE EYES OF...DORAY! “Nothing will change, Doray. Nothing will change.” Sabay yakap ko sa kapatid kong tahimik na umiiyak habang nakadungaw sa bintana. Umiiyak na rin ako. “You are my little sister. Nobody can change that.” Ito na yata ang pinakamadilim at pinakamalungkot na dapit-hapon sa buhay namin bilang magkapatid. Awang-awa ako kay Doray. She doesn’t deserve to experience this kind of pain. Bata pa siya para maunawaan at matanggap lahat ng mga nangyayari dito sa bahay. “They may change your surname but they can’t take away my love for you. We’ve been sisters for five years and it stays forever. The word ‘adopted’ will not matter between us.” Yakap-yakap ko siya at hinahaplos-haplos ang buhok niya. It’s so unthinkable na kukunin na si Doray ng kanyang mga tunay na magulang. Hindi isang tutang naligaw sa bahay namin ang kapatid ko para kunin na lang nila ng basta-basta. Kapatid ko ang kinukuha nila. Hindi bagay, hindi hayop. Kapatid ko ang kinukuha nila. “Ate Pie, can you help me pack up my things now?” Sabay hila niya ng kamay ko papuntang kwarto namin. Mahinahon na siya. Mas mahinahon pa sa akin ang kapatid ko. Mabibigat ang mga paa kong humakbang na waring nakasuot ako ng bakal na tsinelas habang may hila-hilang mahabang kadena. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Doray. Napatigil siya sa paglalakad. Tiningnan niya ako nang lumuhod ako sa kanyang harapan. “We’re not doing it! We’re not packing up anything yet. Not just yet. Were’not doing it. This is crazy.” Iiling-iling akong nanginginig na ang baba sa sobrang iyak. “Miracle happens, Ate, but not today. Acceptance is the nearest remedy. Make it easy for me by acting like you are my older sister.” Mugtong-mugto na ang kanyang maliliit na mga mata. Halos wala ng mailuha. Parang balot na ng dugo ang gilid ng kanyang mga mata. “You’re giving up on us?” Tanong ko habang nahihirapan sa paghinga. “Just let me go. Sometimes holding on makes the pain worse and unbearable, at the same time, letting go at once makes the healing easy and fast. This, too, shall come to pass, Ate. I heard you right, really, nothing will change between us. But for now, I need to go.” Lumakad siya papasok ng kwarto namin. Tumutulo ang luha niya na wala akong naririnig na hikbi. Iyon ang pinakamasakit na paraan ng pag-iyak sa pagkakaalam ko. Naiwan akong nakaluhod pa rin habang tinatanaw ko ang kapatid kong nagsisimula nang mag-impake. Nilingon ko ang bintana. Ang dilim na ng langit. Umihip ang malamig na hangin sa mukha ko. Nasamyo ko ang amoy ng bulaklak ng dama de noche sa tapat ng bahay namin. Noon, ayaw na ayaw ko ng amoy nito pero nagustuhan ko na rin nang malaman kong gusto pala ito ni Doray. Nire-request niya na hayaang nakabukas ang bintana namin pag gabi. Pag wala na siya, mahirap ko siyang makalimutan lalo na pag sumapit na ang gabi at maamoy ko ang dama de noche. Sumunod na rin akong pumasok ng kwarto. Tinabihan ko si Doray. “Ate…” Tawag niya sa’kin nang ‘di ako nililingon. Hinintay ko siyang dugtungan ang sasabihin niya. Wala. Matagal. Nilingon ko siya na hindi nagsasalita. Pagod na ako. Emotionally. Physically. “Ate, I’m afraid. Of everything. But I realized I can actually make it. You have trained me for this. I have inner strength and confidence to confront every adversity in my life. BUT IT’S STILL DIFFERENT WHEN YOU’RE AROUND.” Sabi niya sabay pisil ng kamay ko. “Oh, my little sister!” At niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak kaming dalawa kahit wala ng iluha. Hagulgol lang. BIGLANG BUMUKAS ANG PINTO. Si Inang Mother! “Pipay, bakit kayo nag-iiyakan dyan? Kumusta na ang puwing sa mata ni Doray?” Gulat din ang Inang Mother sa nadatnang tagpo. “Okey na po. Wala na ‘yung puwing ni Doray. Nahirapan nga kaming alisin.” Ngumiti na rin Doray. Para kaming mga anak ni Sisa. Mga timang! “Eh bakit kayo nag-iiyakan dyan?” Urirat pa ni Inang Mother. “Inang Mother, yun nga eh. Nahirapan akong alisin ang puwing niya kaya naisip ko na lang na magdrama-dramahan kami at umiyak para madaling dumulas ang puwing palabas ng mata ni Doray.” “Ay, ewan ko sa inyo. Andami nyo pang nalalaman. Hala, punta na sa hapag at kakain na tayo.” Sabay alis papuntang kusina. Nagtinginan kami ni Doray at nagtawanan. “We did it, Doray!” “Thanks, Ate Pie!” P.S. To readers, Huwag ka na ring umiyak. Hindi ka naman napuwing di ba?.

HINDI NA BAHAY 'TO - INTERNET CAFE NA! (An Original Declamation Piece)

“Wala pang pagkain?! Bahay pa ba ‘to?” Sigaw ko sa kusina sabay kalampag ng mga pinggan at kaldero. “Inay, nagtatanim ka na naman! Makakain ba namin ‘yang mga pinagtatanim mo sa FarmVille? Pagbubunganga ko sa Nanay ko. “Pa-Tetris naman oh.” Hirit ko. “Tigil-tigilan mo ako dyan Lucrecia ha. Pagod ako sa maghapong paglalaba. Nag-a-unwind lang ako. At malalanta na mga tanim ko kaya nag log in na ako. Kaya ikaw na magsaing dyan. “Pa-Tetris muna. Isang level lang. Please!” Ungot ko. “Wala ka sa pila. Maglalaro pa daw si Kuya mo ng Cocogirl pagkatapos ko dito.” Padabog akong bumalik ng kusina. Tiningala ko ang lagayan ng mga panggatong na kahoy. Walang kahoy. Sumandok ako ng tubig sa tapayan. Walang tubig. Inalog ko ang lalagyan ng bigas. Walang bigas. “Nasaan si Itay?!” Sigaw ko sa pagkainis. “Huwag mong hanapin ang nagdo-Dota!” Pasinghal ding sagot ni Mamaw, ang kapatid kong baby bakulaw. “Apo, i-like mo naman bago kong profile pic sa FB. Tingnan mo na rin ‘yung cover photo ko sa timeline.” Lambing ni Lola Gets sa’kin. “Lola, binuksan ko na po FB mo. Di ko na ma-open profile nyo eh. Baka naman kasi kung anu-ano ang pinaglalagay ninyong pictures dun kaya ni-report ng ibang users.” Natigilan siya. Tahimik. Guilty? “Hmp, inggit lang sila sa mga pose ko at mga lingerie na ginamit ko.” Weh! Lingerie? Spell lingerie. “Oo, lingerie na nabili ko sa ukay-ukay.” Lingerie galing ukay-ukay? Good luck sa singit mo Lola! Eh pa’no naman pose na ginawa mo? “Ah eh, ginaya ko lang naman ‘yung pose ni Pamela Anderson sa Baywatch.” Nagmuwestra ang mahadera kong Lola. Legs wide open, left arm down, right arm across the chest. Bongga di ba! “Lola Gets, na-blocked na po kayo.” What do you expect? “Bakit ganun? Paramihan pa naman sana kami ng “like” ng pictures ni mareng Ising.” “Ni Lola Ising? Naku naman Lola Gets, ia-unfriend kita pag nagka-FB ka ulit. At huwag na huwag mo akong ma-tag sa anumang pictures mo. Gets mo Lola?” Kaloka! Pilyang ngiti naman ang drama ng lola mo. “Kung na-blocked na FB ko, follow mo na lang ako sa Twitter.” Aba, akalain mo ‘yan! Twitter daw. Nagmamaasim pa talaga si Lola! “Sige po. Ano Twitter username mo?” “I-type mo na lang sexygrannybunnyhoney@yahoo.com.” Pak! Pak na pak! “Lola, you already! Ikaw na! Eh sino naman mga pina-follow mo sa Twitter?” “Piling-pili ko lang. Justin Bieber, Miley Cyrus, Kathryn Bernardo, at Aljur Abrenica.” Bakit mo pala naisipang mag-Twitter? Ako nga halos hindi ko nabubuksan account ko. “Eh, kesa mangapit-bahay pa ako, sa Twitter na lang ako nakikipagtsismisan. International pa ang mga tsismosa. Syempre ako ang reyna! The fairest of them all.” Buti naman at nagka-Twitter na. Kasi noon, binabato bahay namin ng halos lahat ng kapitbahay kasi Lola ko ang pasimuno ng tsismis sa barangay namin. “Siyanga pala apo, ikaw na magsabi sa tatay mo na bumili na ng bagong camera para sa desktop natin. Di na kasi ako nakakagamit ng Skype. Dalawang buwan na. Baka hanapin na ako ni Hideyoshi. ” “Hideyos-ko! At sino naman siya sa buhay mo?” “Chatmate kong Hapon. Bakit ba.” Makalipas ang isang oras. “Nay, ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Tama na ‘yang Facebook. Siguro naman nakapag-harvest ka na sa FarmVille mo.” “Tapusin ko lang itong isang level ng Tetris. Tatalunin ko kasi itong ka-match up ko.” Hala! Eh sino po ba kalaban nyo? “Si Gary, kaklase mo.” “Nay, naman! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan. Pa’no kung natalo ka nyan, baka ako ang asarin sa klase.” Pumasok ako sa kwarto at nag-lock ng pintuan. Madilim ang paligid sa paningin ko. Maitim ang mga balak ko. This has to stop! Hindi na bahay ‘to. Internet café na! Wala nang kaayusan sa pamamahay na ito. Mamyang gabi, puputulin ko ang kordon ng internet connection. Pupuntahan ko ang kapitbahay namin at pagsasabihang lagyan na ng password ang Wi-fi para hindi na makasagap ng signal ang mga tao sa bahay. Bukas na bukas. Magbabago ang lahat.

Wednesday, April 6, 2011

PIPAY VERSUS MUMAY

Special Edition: Mumay Series

Ako si Mumay. At ayoko nang mag-aral.

Kung ganito rin lang ang ginagawa ng nag-aaral, ayoko na! Tingnan mo ‘to. Oo, papel nga. Pero ano ang nakalagay? Hmmm. Mabasa nga…

ANG EPEKTO NG GUPIT NG BUHOK NI JUSTIN BIEBER SA DALOY NG KASALUKUYANG PANDAIGDIGANG KALAKALAN AT USAPING PANGKAPAYAPAAN
– Isang Pagsisiyasat

“Duh, what a Canadian stuff! How does somebody’s hair mess up with the global economy and the issue of national security? Ostentatious and pompous! Oh, maybe because he’s got sebhorric dermatitis (tsekpoynt: balakubak po) which ruined the entire ecology. What do you think Mumay?”

Economy? Ecology? Ewancosayology!!!

Yan. Yan ang nabulalas ng kaklase kong ingleserang si Pipay na, nakakain lang ng binigay kong expired na Choknut, na napaniwala kong imported na M&Ms ‘yun, hayan, nawili na sa spokening dollars. Ni hindi pa nga ata siya nakasakay ng domestic flight, akala mo kung…Teka, bakit siya ang pinagdidiskitahan ko? I remember, I need to went to the city library for a supercalifragilisticexpialidocious research a.k.a copy-paste. Tama ba banat ko? Kabog ang radiation level ni Pipay ‘dun!

“Mumay, may I be your research-mate? Pleaaase…” Nagmakaawa ang frustrated American citizen.

“Research-mate? Mas kailangan ko ng Coffee-Mate. Babushka, choknut girl.” Mabilis kong sagot sa kanya. Hindi ko kaya ang presence niya. Naaapektuhan ang dugo ko. Hindi dahil naha-high blood ako kundi nagno-nosebleed ako minu-minuto dahil sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa kanya at pag nari-reach nito ang boiling point, hayun, there is eruption and outburst of hemoglobin from my nasal cavity which is a relative indication of Pea Pie Syndrome. Pak!


*** ITUTULOY ***

Monday, November 29, 2010

PIPAY SERIES Episode 11 Pipay Meets Her Cousin

PIPAY SERIES Episode 11
Pipay Meets Her Cousin

“Felipa! Is that you?”

“Flesh and blood, it’s me. Who are you?” Natigilan ako sa tumawag sa buo kong pangalan. ‘Di ko siya kilala.

“Come on. It’s me.” At nagpa-cute pa.

“Who are you? Will I win a prize if I made the right guess of your name? So let’s cut this palpable vanity and state your name for the record!”

Irita kong banat sa kanya. Nagmamadali pa naman akong umuwi kasi napupururot na ako. Kumain kasi ako ng niluto naming egg sandwich sa school kanina. Sayang naman kung ‘di ko kainin, binili namin lahat ng ingredients nun.

“Whoa! What a dingy, tangy tongue you have there, cousin! And I must say your English is…uh…miriamic!”

“Cousin?! As in ‘somebody to whom somebody else is related through the brother or sister of a grandparent, great-grandparent, or an even older ancestor’?”

Pinsan ko daw siya. At kelan akong nagka-pinsan na Negra at halata namang nagpa-rebond lang .

“Without a doubt. It’s me, Johnette.”

“Johnette?”

“Yeah. As in, the only and ever only favorite granddaughter of Lolo Johnny. We have just arrived from Los Angeles, California, you know.”

Oh, that is so self-absorbed. Gusto kong sabihin sa California girl na ‘to that I’m not thrilled of her arrival. At isa pa, napapautot na ako. Pinipigilan ko lang kasi paniguradong sasambulat ang masaganang…uh…Cheese Whiz. Pinagpapawisan na ako sa sobrang muscle control ko.

“Nice to see you again. Enjoy your stay here at Pilipinas Kay Ganda.” Sabay kong tinalikuran at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nasalubong ko si Ban Tie, alagang aso ni Doray, at muntikan ko na itong maapakan. Sa pagkabigla ko, muntik na ring mag-erupt ang lava sa rectum ko.

“Thanks. See you later, alligator.” Narinig ko pang sigaw ni Johnette.

Ano daw?! Alligator ka rin! Hay naku, sana ‘wag na siyang magpakita pa sa’kin at baka ‘di ko siya matantiya.

Binalibag ko lang ang pintuan ng banyo namin at walang pasintabi akong naupo sa trono ng kaluwalhatian ng inidoro. Sabay lumigwak ang kanina pang nag-uumalpas na sama ng tiyan ko.

Natatandaan ko na siya. Oo, siya pala ‘yung anak ni Tita Cory na bunsong kapatid ni Nanay. Pero hindi Johnette ang pangalan niya kundi Juanita. Ipinangalan siya sa lolo naming si Lolo Juan dahil lang ka-birthday niya ito. Nguni’t subalit datapwa’t manapa’y huwag niyang sasabihin na siya ang paborito ng Lolo Juan.

Ako. Hindi siya ang paborito ng Lolo Juan, kundi ako. Ang lolo pa nga ang nagbigay ng pangalan ko, Felipa, kapangalan ng kauna-unahan niyang gelpren. Kaya nga ‘di kami close ni Lola Petra kasi lagi niyang naaalala ang ex ni Lolo sa’kin. ‘Di pa rin siya maka-get over, eh, siya na nga ang pinakasalan ng lolo namin. Pa’no naman kasi, ayon sa saling-dila, pinikot lang ng Lola Petra si Lolo Juan.

Bigla ko tuloy na-miss si Lolo Juan. Mapuntahan ko nga sa bahay nila.

SA BAHAY NI LOLO JUAN…

“Lolo, heto po ang lugaw na niluto ni Nanay para sa’yo. Binili pa namin sa Balintawak kaninang umaga ang mga sangkap niyan. Kainin nyo na po habang mainit pa.”

“Salamat, Pipay.”

At may kumatok sa pinto.

“Grandpa, here’s Minnesotan porridge minced with California ginger. Mom and I cooked this for you. Eat and indulge.”

“Johnette, ikaw pala iha. Tamang-tama at andito rin si Pipay.”

“Oh, hello again Felipa.”

“Hello, Juanita!” Magiliw kong sukling-bati sa kanya nguni’t diniinan ko ang pagkakasabi ng pangalan niya. Labanan na ‘to ng tunay na pangalan, pabahuan ng pangalan, ika nga.

“Ah heto pa po pala ang mga tsokolate na niluto pa ni Nanay kahapon kasi nagdala si Tatay ng mga buto ng cacao galing Bulacan noong isang linggo.”

“Naku, antagal ko nang ‘di nakakainom ng mainit na tsokolate. Ang sarap niyan sa umaga.”

“Here, too, Grandpa. Mom reserved these chocolates for you. Toblerone, Hershey’s, Cadbury, pick your choice.”

“Oh, those sweets are not allowed for Lolo. They are not good for the heart.” Biglang agap kong sabi kay Johnette. ‘Yun kasi ang sabi ni Mang Ambo, ang albularyong tumitingin kay Lolo.

“Oh, really? But they are imported chocolates.”

“Let me tell you this: The fat in chocolate consists of approximately equal amounts of oleic acid—a monounsaturated fat like that found in olive oil—and two saturated fats, stearic and palmitic acid. Medical studies have linked palmitic acid to increases in low-density lipoproteins, a form of cholesterol that is thought to promote atherosclerosis and heart disease.”

Paliwanag ko sa kanya. Naturo kaya ‘yun ni Mrs. Pineda sa Science class namin. Hmm, kabog siya sa explanation ko na ’yun.

“Well, recent studies we made at UCLA found out that stearic acid, however, appears to have a neutral impact on cholesterol levels. As a result, only about a third of the fat content in chocolate is thought to affect cholesterol levels.” Buwelta niya sa’kin.

“Alam mo, Juanita, huwag kang magmarunong dito kasi kararating mo lang. At tigilan mo na nga ‘yang kaka-English mo. Nakakain ka lang ng halo-halo na may snow na winalis sa basurahan ng California, aba, at tinalo mo pa mag-English ang Statue of Liberty. Kumain ka kaya ng maraming lugaw at nang bumalik ’yang pagka-Waray mo. Ang lakas na kasi ng tama ng expired na M&Ms sa’yo.”

Di na ako nakapagpigil. Ipinakita ko na sa kanya na ‘di ko siya gusto. Inaagaw niya mula sa akin ang atensiyon ni Lolo.

“Pipay, ano ka ba? Ngayon lang kayo nagkita ng pinsan mo at ganun ka na lang makapagsalita sa kanya.”

“Just let her speak for herself, Lolo. Maybe she’s just pagod cooking lugaw for you.” Wow. Very patient siya sa’kin.

“Bakit ‘di mo ako hampasin ng Louis Vuitton handbag mo? Huwag kang magbait-baitan dyan. Hindi ka anghel sa paningin ko.”

“Are you kidding? My Louis Vuitton? In your face? Not worth it. I don’t wanna have it scratched from the oily craters on your face. Blackheads and whiteheads, duh!”

“Negrang Waray ka! Pakukulutin ko ulit ‘yang buhok mong bagong rebond.” Sabay kong sinunggaban ang buhok niya at nagpagulung-gulong kami sa harapan ni Lolo.

“Tumigil kayo!” Sigaw ni Lolo. At bigla na lang hinawakan niya ang kanyang dibdib.

“Lolo!” Pareho kaming napasigaw ni Johnette.

“Heto ang salabat. Inumin nyo ‘to.” Agad kong alok kay Lolo.

“No, this one Lolo. This is mineralized water that had undergone twenty-four stages of purification and fortified with vitamin C.”

“O sige Lolo, inumin mo na ‘yang mineral water ni Juanita kasi pagkatapos mong maubos ang laman, ipapanguya ko sa kanya ang bote para matigil na siya sa mga kaartehan nya.”

Inasar ko pa siya ng todo habang ipinaiinom niya kay Lolo ang kanyang tubig.

Nahimasmasan na rin si Lolo pagkatapos ng ilang sandali. Nakaalis na rin si Juanita. At ako na lang nagbabantay kay Lolo. Ipinaliwanag niya sa’kin na mali ang naging pakikitungo ko sa aking pinsan. Kaya binalak kong puntahan siya ngayong gabi sa kanilang bahay para mag-sorry.

Maya-maya pa’y dumating si Nanay. Ibinalita niya na sumabog sa ere ang sinasakyang eroplano nina Tita Cory at Juanita kagabi. Walang nakaligtas sa mga pasahero ayon sa balita.

Hindi nakarating si Juanita? Eh sino 'yung negrang na kaaway ko?

Ako si Pipay. May nakaaway na multo.

P.S. Pinsan, sige ikaw na! Ikaw na ang maputi, straight ang buhok at pinakapaborito ni Lolo Juan. Sa’yo na lahat. At ‘di na rin kita tatawaging Juanita. Johnette na lang. Huwag mo lang ulit akong dalawin. Please. Huwag mo na akong dalawin pa, di naman tayo close ‘di ba.

Sunday, October 31, 2010

PIPAY SERIES Episode 10 PIPAY AUDITIONS

PIPAY SERIES Episode 10
Pipay Auditions
(Episode’s Central Theme: Self-Image)

“I’m not coming with you, Danielle!”

“Of course you do. I’ve already signed you up.”

Hila-hila ako ni Danielle papuntang Speech and Theater Arts Club room.

“You are putting me in a very outlandish predicament. I can’t be a cast of any school play. Audience will disgust the show with me around, I must tell you.”

Pagmamatigas ko.

“Don’t say that. I’ll be there for you every step of the way. For you to feel better, why not look into the cast of New Directions at Glee? And you will see what I mean.”

Si Danielle ang lead cast ng Christmas musical play namin para sa December. Matalino, maganda, articulate. She’s a walking perfection. Samantalang ako, nasa kabilang spectrum. Hindi matalino, witty lang. Hindi maganda, carry lang. Hindi articulate, keme lang.

Minsan nga naiisip ko, kaya ‘ata ako ang piniling maging kaibigan ni Danielle para mas maging obvious na maganda talaga siya. Para may comparison ang mga tao. Beauty and the Beast. Siya ang beauty. Sino ang Beast?

Nasa may pinto na kami ng Speech and Theater Arts Club room at pwersahan talaga akong pinapapasok ng kaibigan ko. And I start feeling bad for myself. Kaya di ko na nakayanan ang emotions ko.

“I feel so ugly when I’m with you. It hurts…always. I can’t be your friend anymore.” Binalibag ko ang kamay niya para bitawan niya ako.

“That’s not fair.” Shocked si Danielle sa ginawa ko.

“It doesn’t matter when it’s true.” (Author’s Note: I love this punchline of Pipay.)

“Come on Pipay! You are so out of reason here. I love you as my friend because you are the person I want to be. Brave, outspoken, funny. How could you suspect me of those horrendous things? I’m your friend and I’m not using you for my self-gain. Sorry for making you less though that is never ever been my intention.”

Umiiyak na siya. Umaalog ang baba niya habang nagsasalita. Bigla tuloy akong naawa sa kanya.

“You don’t need to be deep, darling. Just be pretty. That’s what you are good at.”(Author’s Note: This is a million-dollar worth of a remark.) Sarcastic kong banat pa sa kanya.

“I have a crush on McCoy. But to who was he attracted with? It’s with you. So stop using against me my being pretty, which I’m so guilty with, because we all know it’s irrelevant. I do not gain much with it. It’s just a face!”

Natameme ako. Hindi dahil ngayon ko lang nalaman na crush pala niya si McCoy. Kundi dahil narinig ko mula pa sa bibig ni Danielle na ang pagiging maganda niya ay irrelevant. It’s just a face. That’s a big statement.

“I envy you. Just so you know. You have this personality I completely desire for. Funny, witty, strong-willed. You are a walking perfection. How can you not appreciate yourself?”

“Sorry.” ‘Yun lang at bigla ko siyang nilapitan at niyakap.

“Bravo! Bravo! What a dialogue for a simple audition! Wow, you nailed it. Totoong-totoo ang eksena n’yo ha.” Sabi ni Sir Joe habang pumapalakpak pagkatapos naming i-deliver ang inihandang scene para sa auditon ko sa musical play.

Sobrang tinulungan ako sa preparations ni Danielle para rito. Siya ang nag-conceptualize ng buong eksena. Buti nga iniba niya ‘yung naunang plano kasi dapat duduraan ko muna siya sa mukha at hahambalusin n’ya naman ako ng Louis Vuitton bag n’ya na may malaking bakal sa handle.

“You’re in, Pipay. Officially.” Sabi sa’kin ni Sir Joe sabay nakipag-high five sa’kin.

“What will be my character at the Christmas musical?” Tanong ko agad. Sana ako ang supporting cast ni Danielle.

“You will be the Snowman.” Walang gatol na sabi ni Sir Joe sabay alis.

Wow. Pagkatapos ko ng ganung audition kanina? This is a joke, right?

Ako si Pipay. Snowman. Or Snowgirl. Brrrrrr!

Friday, October 29, 2010

PIPAY SERIES Episode 9 Pipay and Doray, The Exploder

PIPAY SERIES Episode 9
Pipay and Doray, The Exploder


“Pipaaaaay, nasaan ka ba?”

“Why, oh, why Mother?!” Taranta akong lumabas ng kuwarto.

“Tingnan mo nga itong ginagawa ng kapatid mo. Pinu-floor wax na ni Doray ang sahig natin ng tae niya.”

Nakita ko ngang nag-yellow ang gitnang bahagi ng aming sala. At nandoon sa gitna ang aking kapatid na si Doray, nagpa-slide-slide, ngiting-ngiti at masaya pang pumapalakpak. Para siyang maduming biik na nagpagulong-gulong sa putik.

“What am I gonna do here?”

“Pa-gonna-gonna ka pa dyan. Paganahin mo kaya utak mo. Kung gusto mo, gamitin mo lahat ng English words na alam mo para malinis lang ‘yang kapatid mo.” Pasinghal na utos sa’kin ni Inang Mom.

“Come here, shobe. Stop sucking your thumb for a moment.” Naku, nagfi-finger-licking-good na ang kapatid ko. Halos hindi ko siya malapitan.

“Anak ka ng panis na laway, Pipay. Lapitan mo siya kung hindi, hay naku, gagawin kong floor polisher ‘yang mukha mo dyan sa sahig na’ yan para malinis lang ‘yan.”

Naiintindihan ko naman si Inang Mom kung bakit lagi siyang galit. Pagod lang sa lahat ng gawain sa loob ng bahay pagkatapos na lumayas ang katulong namin. Hindi malinaw kung bakit umalis si Yaya Loring pero sabi niya dahil daw kay Doray. ‘Yun lang sabi niya.

Pero kilala ko ang kapatid ko. Mabait si Doray. At may malaki kami nitong sekreto. Alam niyo ba, hindi alam ng mga tao sa loob ng bahay na madaldal si Doray. Hindi kasi siya dumadaldal ‘pag nandyan sina Inang Mom at Tatay Pop.

“This is an unspeakable atrocity, little sistah. You have exploded your dung so magnanimously all over the place. Gross, repugnant, hideous, vile, abhorrent activity of yours! Eeew!”

Dinala ko siya sa banyo at inilubog sa tub, nag-bubble bath siya. In farness, ito ‘yung gusto kong moments namin. BFFs kaya kami ‘di tulad ng ibang magkakapatid na may tinatawag na sibling rivalry. Madali akong mag-open up sa kanya. At heto pa, ang galing-galing na rin niyang mag-English kasi palagi ko siyang tinuturuan.

“Shobe, I don’t wanna go to school anymore. I don’t belong there. It’s horrendous, preposterous and supercallifragilisticexpialidocious there!” Bulalas ko sa kanya habang ini-scrub ko back niya.

“Why oh why Atchie?” Tanong niya sa’kin sabay blow ng bubbles sa mukha ko.

“Everybody’s good in my class. Every day is a competition that I must endure. And I keep on hearing from our teachers ‘Go Big or Go Home. It’s suffocating. It’s getting into my nerves. ‘Can’t take it anymore.”

“Oh, that’s it?” Buwelta niya sa’kin na para bang sobrang irrelevant lang ang sentiments ko.

“Yes, and do you think I am beside the point?”

“No. What I mean is, you must feel blessed you belong in that particular class. Excellence is better to be a nurtured group culture than self-habit. ”

Gets nyo? Lalim ng kapatid ko, noh. ‘Yan ang secret namin ni Doray. Na isa siyang genius! Over-the-top ang kanyang aptitude sa linguistics and vocabulary skills.
Kaya nga hindi na si Doray napag-uutusan ni Inang Mom na bumili sa tindahan. Pa’no kasi, laging wala siyang nabibili. Alam n’yo ba kung bakit? Pakinggan natin kung pa’no siya bumili sa tindahan:

Doray: “Madame, will you please give a set of steamed, headless fishes soaked in tomato juice, garnished with tropical chili, stuck in a pressure-sealed container?”

Tindera: “Wala kami ‘nun.”

Doray: “Oh, how about Meclizine Hydrochloride?”

Tindera: “Ano daw? Doray, uwi ka muna ineng at ipalista mo na lang sa lelang mo ang mga bibilhin at baka duguin pa ako sa’yo.”

‘Yun ay noong isang araw na pinabibili siya ng sardinas (hot and spicy) at Bonamine.

At ngayon ko na rin sasabihin sa inyo kung bakit umalis si Yaya Loring. Dahil kay Doray.

Doray: “Yeah-yeah, will you prepare me a glass of an opaque white fluid produced by cows, sheeps or goats?”

Yaya: “Ano ba ‘yun?”

Doray: “Oh nevermind. I’ll change my order. How about preparing me nutritious grain produced by a cultivated plant belonging to the grass family like corn or wheat?”

Yaya: (Tulala)

Doray: “Yeah-Yeah, I’m waiting.”

Yaya: “Uuwi na ako sa amin. Ang hirap mong kausap. Kaya nga ako namasukan bilang kasambahay dahil hindi ko kaya sa call center at heto ka, kung magsalita parang nagbabasa lang ng encyclopedia.” (Sabay pasok sa kwarto at nag-impake.)

Doray: “I want cereals. That’s all I’m asking. Yeah-yeah, come back!”

“Pipay, pinagpapraktisan mo na naman ‘yang kapatid mo sa pa-English-English mo. Ni hindi pa nga ‘yan nakakapagsalita. Mabuti pa turuan mo na lang magsulat ‘yan. Preschool na ‘di pa marunong magsulat ng one-to-ten.” Sigaw ni Inang Mom mula sa kusina.

Parang gusto kong i-explain sa kanya na hindi area ni Doray ang numerical world dahil nga ang expertise niya ay linguistic aptitude. Kung alam lang niya.

“Anong inuungot-ungot mo dyan kay Doray?”

“ Nothing, Mother. As in negative to the maximum highest zero. Null and void.” Malumanay kong sagot sa kanya habang karga-karga ko si Doray na nakabalot ng tuwalya.

Ako si Pipay. Big sistah ni Doray.

PIPAY SERIES Special (Serious) Episode PIPAY IN CAPTIVITY

PIPAY SERIES Special (Serious) Episode
PIPAY IN CAPTIVITY


Huli kong isinilid ang mga pantalon sa di-kalakihan kong bag. Halos pumutok na ang lalagyan nguni’t marami pa ang kailangan kong ma-impake. Nguni’t simbigat ng damdamin ko ang kasalukuyang panahon. Umuulan sa labas na may bahagya pang pagkidlat. Hindi kalakasan ang patak ng ulan na wari baga’y isang buong linggo bago pa ito tumila.

Maya-maya pa’y narinig ko ang papalapit na yabag. At kasunod nito ay ang langitngit ng pintong gawa lamang sa kawayan. Sabay sa kislap ng kidlat, naaninag ko ang mukha ng pumasok.

“Makoy…”, pangalan niya lang ang nasambit ko. Walang buhay ang kanyang mukha. Agad niyang binawi ang kanyang paningin sa aking mga mata.

Umupo siya sa gilid ng aking higaan at biglang kinuha ang isang panyo na kasama sa mga ililigpit ko pa. Hindi siya umiimik. Nakayuko at hawak-hawak ang panyo, sinisipat-sipat na waring hinahanapan ng mantsa o dumi.

“Aalis na ako. At pagdating ko sa amin, sasabihin ko sa kanila ang lahat ng kabutihang ginawa mo sa akin.”

Ito ang unang pagkakataon na ako lang ang nagsasalita sa aming dalawa. Naaalala ko pa noong unang araw ko bilang bihag ng kanilang grupo. Si Makoy ang naghahatid ng pagkain ko at bigla na lang magkukuwento ng kung anu-ano. Pinilipit niyang pangitiin at pasayahin ako. Nguni’t dahil na rin sa takot at pagkabalisa, iyak ng iyak lang ako sa sulok. Palagi niya akong inaaya na maglibot sa gubat. At dahil na rin sa kanyang likas na kabaitan, agad ko siyang nakagaanan ng loob.

Si Makoy ay kaisa-isang anak ng lider ng grupo, si Ka Dante. Magkasing-taong gulang kami – kapwa labindalawa.

Nabuo ang isang naiibang pagkakaibigan sa pagitan namin. Lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang walong buwan na pala akong nasa liblib na gubat at bihag ng isang grupo ng mga rebelde. At sa bawat araw ko sa pagkakabihag, laging nandoon si Makoy.

“Makoy! May sakit ka ba? May singaw ba ang dila mo kaya di ka nagsasalita?” Tudyo ko sa kanya.

“Masaya ka naman dito hindi ba?” Halos pabulong niyang sabi. Binalingan niya ako at nagtagpo ang aming mga mata. Matigas ang kanyang mukha nguni’t malamlam ang kanyang bilugang mata.

“Oo naman. Nguni’t kailangan ko nang umuwi sa pamilya ko. Pagod na ang mga iyon sa kahahanap at kahihintay sa akin.” Marahan kong sagot. Bakas ang pagbalot ng lungkot sa aming dalawa.

“Pa’no naman ako?” Tanong niya habang nakatingin sa lupa. Basag at garalgal ang kanyang tinig.

“Huwag mo akong tanungin ng ganyan. Aaminin ko sa’yo na hindi ako lubusang masaya na sa wakas aalis na ako dito sa gubat. Marami rin akong maiiwan dito. Si Babe, ang alaga nating biik, huwag mong pabayaang gumagala lang. Si Mother Goose at ang kanyang mga inakay na pato, gawan mo ng magandang bakuran. Si Rose, lagi mong diligan. At lalo ka na, huwag kang matutulog na walang kulambo, baka magka-dengue ka.”

Saganang tumutulo ang mga luha ko habang ginagawa ko ang mga habiling ito.

Napatigil lang ako nang makita ko siyang umiiyak rin at idinidiin ang panyo sa kanyang mga mata.

“Sa tingin mo ba kaya ko pang gawin ang lahat ng mga iyon.” Tanong niyang nagpapaawa.

“Ano bang gusto mong gawin ko? Tumira ako dito at kalimutan kong may pamilya akong naghihintay sa akin?”

“Masaya ka naman dito hindi ba. Pamilya din tayong matatawag dito kasama sina Mother Goose, Babe at Rose.”

“Makoy, bahay-bahayan lang ang tawag doon!” Sigaw ko sa kanya sa katahimikan ng gabi. At maya-maya pa’y narinig naming nag-iingayan ang mga alaga naming baboy at pato.

“Matulog ka na. Maaga pa kayo bababa ng bundok bukas.”Halos pabulong niyang sabi habang nagpapahid ng mga luha.

“Kasama ka ba naming bababa?” Pahabol kong tanong sa kanya. Nilingon lamang niya ako at tuluyan na siyang lumabas. Masakit para sa kanya ang lahat ng ito.

Kinabukasan, nakita ko na lamang si Makoy na nakatayo sa labas ng bahay at karga-karga ang aming “anak” na si Babe. Sasama siya sa aming pagbaba kalong ang biik. Waring naiba ang kanyang damdamin sa mga bagay-bagay ngayong umaga. Pangiti-ngiti siya at bumalik ang kanyang kakulitan. Ayaw niya lang yata akong malungkot sa pag-alis.

Kaya naman, masaya akong humawak sa kanyang braso habang kalong niya ang biik na si Babe. Larawan kami ng isang masayang pamilya.

Habang pababa kami ng bundok, nalagpasan namin ang bahay-bahayang pinagtulungan naming itayo at linisin sa loob ng walong taon. Maiingay din naming nadaanan ang kural ng mga alagang pato namin ni Makoy.

Naisip ko lang. Ako, bihag ng grupo ni Ka Dante. Si Makoy, bihag ng maling kaisipan at pakikibaka ng mga rebelde. Kapwa kami bihag dito.

Tatlo’t kalahating oras kaming naglakad at naabot na namin ang lugar kung saan magaganap ang pagpapalaya sa akin. Nguni’t biglang nagsigawan ang mga tauhan ni Ka Dante. Sumunod pa ay umalingawngaw ang putok ng mga baril.

Namalayan ko na lang na yakap-yakap ako ni Makoy habang nasa gitna namin si Babe.

“Pipay, anumang mangyari ngayon dito, laging mong tatandaan na masaya akong nakilala kita. Lagi mong alalahanin na…”

Biglang nahinto siya sa pagsasalita at sabay kong naramdaman ang agos ng mainit at malapot na dugo na nagmumula sa dibdib ni Makoy.

“Pipay…malaya na tayo… Alagaan mo si Babe…” At dilat ang kanyang mga mata na nalagutan ng hininga.

Nais kong sumigaw nguni’t hindi ko maibuka ang aking bibig sa pagkagulat. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang palahaw ni Babe, na pumipiglas pa mula sa aking pagkakayap sa kanya.

“Cut! Cut! Naku, tumae na ‘yung biik sa bunganga ni Pipay. Alisin nyo na agad!”, sigaw ni Direk.

“Makoy, dapat hindi ka ngumingiti pagkatapos mo nang mabaril”. Baling niya kay Makoy.

“Kasi naman direk, dinidilaan po ng biik ang kili-kili ko. Nakakakiliti.”
“Oo naman, kasi naasiman nga sa kili-kili mo at hayun nasarapan sa pagdila. Ang baboy niya ‘di ba.”

Tawanan ang lahat.

“At ikaw naman Pipay, bakit hindi mo nai-deliver ‘yung ibang linya? Kumibot-kibot lang ‘yang ilong mo.”

“Kasi direk, nahahatsing po talaga ako sa amoy ng biik na ‘yan.”

“Sorry naman. Para ka lang lumagok nga ng chicken gravy sa tae ng biik kanina.”

Tawanan uli ang lahat. At nag-pack up ang buong production crew.

Ako si Pipay. Artista. Pa-autograph ka? Pumila ka muna.

A New Look at PIPAY (by Ms. Caroll Jane Perez)



Note: Literary Criticism, is not really criticizing a piece of literary work and judging it whether it is good or not, it is merely applying some tried and tested approaches to understanding a literary work, in this case, PIPAY better. I'm also not an expert on this but I hope this helps... I have include some definitions of the approaches to help you understand them better.
~ Caroll Jane Perez

BIOGRAPHICAL APPROACH
This approach states that a literary work cannot be separated from its author. There will always be pieces and parts of the author in his/her written work. It also states that to better understand the literary piece, it is also better to look at the life of the author.

Well, this one is easy enough. Due to the abundance of similarities between the lives and preferences of Kikay to Sir Anthony, for me, it is a safe conclusion that deny it as he may, HE (as in Sir Anthony) is PIPAY... There are of course, some differences to distract from that fact. However, the fear of snakes, the disgust of bullies, and the utter dislike for boyfriend-girlfriend relationships, these are some of the evidences that PIPAY is a REFLECTION of its writer.

MORAL APPROACH
This approach states that a literary work is written with a more serious purpose than just to entertain. A literary piece is written, first and foremost to teach a lesson.

Some people might frown at the first approach I've used, but I know for a fact that all of you will agree with this approach. Being a teacher, I guess our first motivation and If I can say, instinct, is to teach. No matter what we do, or whatever we produce, as teachers, we should always impart knowledge to students. If we look at this approach, this states that the author's initial motivation is to teach the readers a lesson through PIPAY's adventures and misadventures.

The readers might laugh out loud from what they read, but they will never forget the epiphanies PIPAY have in the end of each episode. One of the most recurring lessons, in the series is do not judge other people so easily as seen in PIPAY's victory as class president where she chose students with shadow teachers as opponents only to be surprised at their proficiency in English.

Also, at PIPAY's accident at her student teacher attempt where a girl choked on her bubble gum but she thought that she was just acting.There is also the PIPAY and McCoy's relationship which came into a very sad ending, and the epiphany there was really one of the author's advocacy.

FEMINIST APPROACH
The feminist approach has three stages, but for the purpose of this criticism, I will narrow it down to the feminist stage. This stage involves the author's or characters' attempt to protest against existing social standards and to protest against the oppression of minorities...

Well, because PIPAY is a girl who originated from a public school and transferred to a private school, her start in class is a rocky one. Her very first attempts at fitting in were very rocky and she didn't really get along with her classmates until the fourth episode.

There are many instances in the series where she really experienced the language barrier especially in her English and Chinese classes. Her attempt to break the barriers of the existing social standards of the school started when she really studied, or in her case, slept on her dictionary to learn more about English. Being the fighter that she is, she even nominated herself as president to make sure that in one way or another, she will matter in her class.

In a negative note, there is her disobedience in Sir Leo's policy which caused her a major heartbreak. Whether the readers like it or not, PIPAY's unconventional ways force them to look at themselves and see some of their practices and standards that were slowly but surely exposed to others.

SOCIAL APPROACH
This approach states that for us to really appreciate and understand a literary work, the reader must look at the social context of which the literary piece is written.

In the case of PIPAY, the series is best understood by the students, teachers, and the parents of the students who clearly know the practices and tradition of the setting of the story which is Philadelphia High School.

This is also the reason why some of the readers outside Philadelphia will probably have more trouble understanding some of the happenings in the story such as the presence of shadow teachers, the Chinese classes, and the student teaching program. Also, to understand PIPAY better, it is also very advantageous to take a closer look at the life of the Grade 6 students and teachers where the series is currently happening.


There are more approaches available where one can use it to understand a literary piece better. But for the sake of not over-criticizing this piece, I have limited it to four approaches... Hope it helps you to understand PIPAY and her world better.

Tuesday, September 28, 2010

PIPAY Season 1 Episode 8 PEA PIE LOVES McCOY (Pipay’s First Heartbreak)

PIPAY Season 1 Episode 8
PEA PIE LOVES McCOY (Pipay’s First Heartbreak)

I believe in immortality for I wish to live with you ‘till eternity.
Sweet Pea, I love you! (P.S. Sapat na ba ang mahalin ka magpakailanpaman?)
~ McCoy


“Holy molly! Pea Pie, how can this be true?!”

Taranta ako nang makita kong hawak-hawak ng kaklase ko ang love letter na bigay sa’kin ni McCoy. Hindi ito maganda.

“Kitty, please! Promise me you’ll never say anything to Sir Leo about this. It does not concern me if he gets angry. I just don’t want to disappoint him.”

Pakiusap ko kay Kitty na huwag sabihin sa adviser namin ang tungkol sa amin ni McCoy. You heard it right, McCoy and I are MU (em-yu) as in ‘more understanding’. ‘Yung tipong kahit hindi kami mag-usap, alam namin kung ano ang iniisip ng bawat isa. Mas malakas pa kesa sa ESP (extra-sensory perception). Ramdam niya kung ano nararamdaman ko. Alam niya kung kelan ako nagkaka-goosebumps kapag naji-jerbaks na ako. Kaya pati na rin pag nauutot na ako, nakikita ko na siya ang unang magtatakip ng ilong sabay tingin at kindat sa’kin. Sweet ‘di ba. Huwag inggitera!

"Pie, don’t worry about me. Worry about the fact that no secret is hidden forever. If it goes out in the open, Sir will prosecute you in the way you’ll never like it. He’s deadly serious about his rule of criminalizing girlfriend-boyfriend thingy."

Nangilabot ako sa paalala ni Kitty. Oo, ganyan nga ang batas na ipinatutupad sa’min ng class adviser namin simula pa noong June. Siya ang Herodes at Hitler ng mga lovers! Anong alam daw namin sa love eh grade six pa lang kami. May yema pa daw kami sa labi.

"What do I do? I’m just so happy McCoy and I have this understanding. This is the best thing that has ever happened to me. So don’t tell me I’ve got it wrong."

Drama ko.

"I can easily get you wrong because you have not convinced me you know anything about love."

Pambabara sa'kin ni Kitty.

Poor you, Kitty. You know absolutely nothing, as in zero to the maximum highest level, about love. So let me enlighten you today and I will do the explaining in scientific way I can.


Naku, di ko alam kung kaya ko nga.

“Love happens when, between a pure covalent bond (boy) and a strongly ionic bond (girl), there is a gradual shift from one bond type to the other that is related to the differences in electron attraction between the bonded atoms. The ability of an atom to attract electrons in a bond is called its electronegativity (love) —the stronger an atom pulls electrons, the higher its electronegativity.”

Kaya nyo yun!

Oh yeah. I completely got you. But the problem starts when the strongly electronegative atoms (boy) tend to pull electrons away from less electronegative atoms (girl). That is why, bonds between atoms of more similar electronegativity take on a more covalent character (stupid action) and eventually become completely covalent (dumb).

Aba at nagmarunong ang kuting na’to. Eh kung gawin ko siyang siopao at ipakain kay Sir Leo.

Whatever! It seems like your brain is confined in a narrow test tube anyway!

Sabay kong pagtalikod sa kanya at lumakad palayo. Mali ang hadlangan akong magmahal. Kung ganun din lang, sana buksan na lang nila rib cage ko, hugutin ang puso ko, i-marinate sa oyster sauce, i-sautee sa kaunting olive oil, garlic at ginger, mag-sprinkle ng tinadtad na rosemary at parsley, sahugan ng celery at budburan ng Aji-ginisa. Ayan, may instant French chop suey na sila. Serve while hot. Wala na akong pakialam!

Pagkatapos kong kumain ng hapunan, agad akong pumasok sa kwarto. Magre-reply ako sa love letter ni McCoy sa’kin kanina. At nang biglang mag-ring cellphone ko. Message from McCoy.

Sa sobrang kilig ko, nagpa-tumbling tumbling ako sa kama hanggang sa nauntog ang ulo ko sa pader. Malakas! Nag-crack ‘yung semento sa pader. At para ma-ignore ko ang sakit, sabay kanta at sayaw ko na lang ng ‘Sumusunod sa galaw ko, sumusunod…’ habang ginagalaw ko ang hair ko.

At nang mahimasmasan ako, doon ko lang naalala na may text message pala sa’kin si McCoy.

“I’m afraid of what I’m gonna tell you tonight.”

Reply ko: “Oh please, you’re not gay, right?”

“Of course not. What I mean is…I’m not coming to school tomorrow.”

Naku ha. Tensed na ako. Reply ko: “You have dengue?! Is your fever on and off for two days now? That must be dengue.”

“I’m not sick.”

Eh ‘yun naman pala. Bakit hindi siya papasok bukas. Nagpapa-miss effect ata ang kolokoy na ito. Kaya reply ko: “I’m gonna miss you.”

“Same here. And I can’t bear it. Sweet Pea, I’m leaving!”


Eto na ang di ko maintindihan sa usapan namin. Textback ko: “What do you mean? Tell me straight as an arrow.”

“We are migrating to Canada. Goodbye Sweet Pea, Honey Pie, my one and only Pipay.”

Para akong binagsakan ng Jupiter at hinagupit ng asteroid belt! Ang sakit! Mas masakit pa kesa sa sakit tuwing magbubunot ako ng buhok sa kilikili at ilong.

I shed my tears like it rained cats and dogs! Tumayo ako at umiyak sa harapan ng salamin kasi mas masarap kaya na nakikita mo ang sarili sa salamin na umiiyak. Emote na emote. Feel na feel. Try nyo! Mas panalo ang pag-cry pag ganun ang set-up.

Naghalo ang mga luha ko sa dugo mula sa noo ko. Di ko napansin na nagka-facial mask na ako ng dugo.

Wala na akong pakiramdam sa sobrang sakit. Ngayon ko lang naaalala si Sir Leo kung bakit ayaw muna niya kaming mag-commit sa isang romantic relationship sa ganitong edad. ‘Di pa namin kaya in all aspects – emotionally, psychologically, dermatologically!

Ako si Pipay. Heartbroken. #

Friday, September 24, 2010

PIPAY Series Episode 7 PIPAY, THE STUDENT TEACHER

PIPAY Season 1 Episode 7
PIPAY, THE STUDENT TEACHER

Can you just stick your butt to your chair?!

Singhal ko kay Stephen. Ilang beses ko na siyang pinapaupo pero para naman siyang buntis na masakit ang balakang na palakad-lakad at naghihintay ng paghilab ng tiyan.

Bakit pa kasi ako pumayag na maging student-teacher dito sa grade two. Ni wala nga akong pasensiya sa mga maliliit kong kapatid tapos nandito ako.

You there, Angelyne! Swallow and finish what you are eating. Recess is an hour ago.

Nabigla siya na tinawag ko at na-conscious na pinagtinginan siya ng mga kaklase. Kaya walang nagawa ang pobre kundi lunukin ang kinakain. Twenty minutes na ako sa loob ng classroom pero wala pa akong nasisimulang lesson. Nauubos na oras ko kakasaway lang sa kanila. Para lang akong traffic enforcer sa EDSA, nagpu-pulis-patola sa mga batang ito.

Maya-maya pa, biglang nagkagulo sa may kanang bahagi ng classroom.

“Teacher Pie! Teacher Pie! Help! Angelyne cannot breathe.”

Nakita ko na sakal-sakal ni Angelyne ang sariling leeg habang tumitirik na ang kanyang mga mata at puti na lang nakikita sa kanyang eyeballs.

Aba at ang spoiled brat na ‘to, gumagawa pa ng eksena sa klase. Magsu-suicide, sa harapan ko pa! Napagalitan lang at hayun na ang self-hostage drama. Epek-epek niya.

Yeah, that’s right! You tighten it more! As if you will be successful taking your own life that way! You just tire up yourself because I have never seen anyone passing out with that method. Save your energy, I am not buying it!

Pangisay-ngisay na siya ngayon. Nag-level-up ng drama! Hindi na tama ’to. Ayoko ng pinapakitaan ng tantrums ha. Nagsisigawan na ang lahat, paniwalang-paniwala kay Angelyne sa pagsasakal sa sarili. Bentang-benta ang akting ng batang ito.

“Teacher Pie! Teacher Pie! Help her.”

Nahulog na sa upuan si Angelyn at mas lalo pang bumilis ang pagngisay nito. Halos hindi na makita ang puti ng kanyang mga mata. Namumutla na ang lips nito.

Teka nga at malapitan. Kung ‘di siya makuha sa santong paspasan, try ko sa santong batukan! Kaya pinaupo ko siya sa kanyang pagkakahandusay at, sa gigil ko nga, napalakas ang batok ko sa kanya!

Pak!

At biglang may tumalsik galing sa bibig niya – BUBBLE GUM!

Inaykupo! Wala akong hint na nabubulunan na pala siya!

Palakpakan ang lahat. Kita ko sa mga mata ng bata ang matinding paghanga sa ginawa ko! Bayani ang tingin nila sa akin. Pero ako, parang estatwa lang na nakaluhod. Gulat pa rin ako sa realization na tunay palang agaw-buhay na si Angelyne kanina. She could have died!

“Teacher Pie! Teacher Pie! Teacher Pie!” Nag-chant pa ang buong klase.

Siyang pagpasok ng tunay nilang Science teacher. Inaykupo! Kita niya na nakapalibot pa rin sa’kin ang lahat ng mga bata habang inaaalalayan ko si Angelyne sa kanyang paghinga.

“Wow, that’s a very engaging activity for your lesson! I cannot think of a better activity than that in presenting our lesson today about respiratory system. Kids, let’s give Little Teacher Pipay a big round of applause! Brilliant presentation of the lesson.” Puri sa akin ng kanilang Science teacher. Kung alam niya lang.

Palakpakan ulit ang lahat maliban kay Angelyne na putlang-putla pa rin.

“Before we let Teacher Pie leave us today, will you tell me what have you learned from your class with her?” Anak ng tepok na lamok! Patay kang Pipay ka!

Sumagot si Stephen na hindi na hinintay na tawagin pa ng teacher.

“First, I learned how to behave now, and that is to stick my butt to my chair at all times. Second, we have proven that when something blocks our throat, it will make us faint and can hardly breathe.”

Ako si Pipay. Isinusumpa ko na hindi ako magiging teacher paglaki ko. That’s too much of a job. Teachers, saludo ako sa inyong lahat. #

Wednesday, September 22, 2010

PIPAY Series Episode 6 (PIPAY CONFRONTS BULLIES)

PIPAY Season 1 Episode 6
PIPAY CONFRONTS BULLIES

Break it down! Break it down!

Sigaw ko habang tinatakbo ko ang dalawang batang kinikwelyuhan at hawak-hawak ang isang batang mas maliit kaysa sa kanila.

Back off or you will bleed profusely in the next hours! I will make you pick up your incisors and molars everywhere while you gargle your own blood! Mother forbid me, I can do that if you will not leave that poor boy alone!

Takot din akong makialam pero umakyat ang adrenalin hanggang hypothalamus ko at pati na insulin sa liver ko. Pati na pala estrogen at progesterone ko. Galit ako sa mga bullies! ‘Di ko kayang manahimik at tingnan lang silang manakit ng iba. Never in my presence. This is my crusade, my advocacy, my battlecry! (Anong panamá ni Gabriela Silang!) I will annihilate them all.

“What do you think you are saying?” Tumigil sila at hinarap ako sabay tanong sa’kin. Umiiyak na yung batang binu-bully nila. Aba, at ako pa ang tinanong ng mga ito.

Don’t you dare feel like you are doing a saintly act with that boy! I’ve seen enough. Your rancorousness ends here, right now. Nip in the bud, fellas!

No turning back. Kailangan kong tapusin ang sinimulan ko sa kanila.

“Who are you?!” Pasigaw na tanong sa’kin ng isang bully. Umiiyak pa rin ang kawawang batang na-bully. My heart bleeds for him. (Arte!)

Excusez-moi! You don’t need to know exactly who I am just for you to figure out that what you are doing right now is beyond inhumane, appalling, horrendous, unspeakable act of malevolence! Do you feel stronger if you pick on weak ones? I doubt it’s a good way of power tripping.

Mas bumilog mga mata nila sa mga sinabi ko. Silang tatlo. Kaya parang naramdaman ko na may mali sa pinasok kong eksena. I can’t figure it out yet. Pero ramdam ko semplang ang abot ko dito.

Imbes na patulan pa ako, bigla na lang silang tatlo nagsagutan sa harapan ko.

Bully 1: “Who is this clueless iguana?”
Bully 2: “Just a nameless monkey with the face of an ogre.”
The Boy (being bullied): “An untamed primate who is ready to kick your butts for me.”

Biglang parang sinaniban ako ng lahat ng hayop sa kagubatan sa sobrang galit ko nang tinawag akong clueless iguana, nameless monkey at untamed primate!

Thou shall not call me on those names. You have just brought out the animal instinct in me. Grrrrrr! Oink! Oink! Eek, Eek! Yabada-badoo! Croook! Croook! Wit, wit, wit! Awoooooooohhhh!

“Imba! Tarzan won’t be coming to your rescue because Jane is having a baby today! Hahahaha!”

Maya-maya pa, may papalapit na isang babae sa amin.

“What is this fiasco here? Kendrick, Cedric, why is Derek crying? Why can’t you get along well?”

“Kendrick and Cedric take the cake you bake for they say it is a fake cake you make but they lick and give it to geek Jake the said fake cake. What a heck!” Pasagot na tongue twister ni Derek habang humihikbi pa.

Ano daw?! Magkakapatid sila? Away sa baon lang? This is the trick. Ito nga ang hinihintay kong semplang ko.

At bigla akong binalingan ng mommy nila. Sabay nagtanong.

“And who is this girl? I heard you, boys, squabbling with her. Oh, I should say sorry for whatever encounter you’ve had with my boys.” Ambait ni mamita.

Ayan! Naku, baka isumbong ako ng mga ito na pakialamera ako. Baka isumbong nila ako na pinagbantaan ko sila na magmumumog sila ng dugo habang namumulot sila ng kanilang mga ngipin. Kasi naman ‘tong si Derek, ‘di pa nya sinabi sa’kin na away-magkakapatid lang pala ‘yun.

I’m Pipay, a ventriloquist of animal sounds. No harm done. I need to go, if you’ll excuse me.

Kumaripas ako ng takbo na walang lingun-lingon. I barked up the wrong bark of the tree again. Pakialamera! Pakialamera de primera! Sabagay, ang nasa isip ko lang naman ay tigilang saktan ng dalawa ang kawawang bata. I’m just a concerned citizen. Pero ‘yun nga, semplang de kalembang!

“People easily hurt others because we have forgotten that we belong to each other.” ~ Mother Teresa

Ako si Pipay. I hate bully. #

PIPAY Series Episode 5 (PIPAY BLUSHED)

PIPAY Season 1 Episode 5
PIPAY BLUSHED

Ang gaaaanda ko!

Nakatingin siya sa’kin. Nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang pagba-blush. Pipisik-pisik pa akong parang catfish na dinakma sa putik. Goshness, ganito ba ako kaganda? Haba ng split-ends ko!

Papalapit siya sa’kin. Pa’no ba ‘to? Pa’no ako ngingiti? Ano sasabihin ko?

“Pipay”, tawag niya kasi nakayuko ako na kunwari ‘di ko alam na papalapit siya sa’kin. Ang sarap sa pandinig ko ang pagkakatawag niya sa pangalan ko. Umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko kaya naman parang puwet lang na nagka-allergy at namula.

Not my intention to be rude with you but all the seats here are already taken. If you’ll excuse me, I’m better off alone.

Pagtataboy ko sa kanya kahit mag-isa lang ako sa canteen table. Ito ang drama ko kasi hindi ko talaga alam kung ano sasabihin ko. At isa pa, ayaw ko na siyang mas lumapit pa kasi kakautot ko lang ng bonggang-bongga. Para akong La Mesa Dam na nagpakawala ng malaking volume ng tubig. Ganito ako pag kinikilig – umuutot!

Biglang kumunot ang noo niya. Di ko alam kung dahil ‘dun sa sinabi ko o naamoy niya ang itlog, longganisa, bagoong at sibuyas sa ought-taught ko. Pero imposible naman na ‘di pa niya naaamoy yun kasi ako nga para na akong mahahatsing! Ang lakas ng tama, talo pa ang durog na paminta! Para pa ngang kumapit pa sa mga kurtina at pader ang amoy.

“Can I ask you something?” Tanong niya sa’kin sabay ngiti na parang nagmo-model ng toothpaste. Bulagta ako sa killer smile niya. Shocks! Inlababo na’ko.

What about? Pataray kong tanong ko sa kanya.

“Of course it’s not about your favorite food because I exactly know it’s egg, native sausage, and fish sauce with onions.” Sabi niya habang ako naman ay aligaga sa kakapaypay ng malaking folder na parang nagbubugaw ng langaw na wala naman. Amoy na amoy pa kasi. Sabi ko sa’yo eh, kumapit pati sa balat ko ang amoy. Parang kaamoy ko na ang isang kusinang walang exhaust fan.

“Can I have Danielle’s number? She’s your friend, right?” Ah ganun. May kailangan pala siya sa’kin at number pa ng kaibigan ko. Para akong binuhusan ng malamig na asido. I am flustered. From kilig, bigla akong nakaramdam ng nginig. Kairita. Nasayang ang kilig moments ko kanina.

Do I look like a telephone directory to you? Mind you, I’m not even her personal assistant. If you really want to know her number, then, I can give you the landline of her mom’s office. Dial BANTAY BATA 163 and the line will connect straight to her and simply ask from her.

Bitter! Mas mapait pa ako sa ampalaya at apdo ngayon. Akalain mo ‘yun, hindi ako ang feel niya! Napautot pa ako sa kilig kanina tapos heto at hinihingi niya number ng kaibigan ko.

“Just as I expected, you are really tough. How about you give me your mobile number? Because that’s what I will ask from Danielle when I text her.”

You won’t have it in million years! Ever! Never! In your dreams! Not a chance! By no means! Not in the slightest! Duh!

Pagtataray ko sa kanya sabay alis at iniwanan ko siya. Ramdam ko ang sayad ng buhok ko sa sahig na parang nagwawalis ng dumi sa dinadaanan ko. Lalong dumami split-ends ko. Ganda ko, friend! Sey mo.

Nilingon ko siya bago pa ako tuluyang lumabas ng pinto ng canteen. Nakatingin pa siya sa’kin na mukhang kinikilig. Kaya hayun, tatlong mahahabang ought-taught ang pinakawalan ko. Major major kilig to the maximum super highest level na ito.

Ako si Pipay na crush pala ni Makoy. #

PIPAY Series Episode 4 (PIPAY, THE VIPER-HATER)

PIPAY Season 1 Episode 4
PIPAY, THE VIPER-HATER

Aaaaayyyyyyyyyyyyyy! Aaaaayyyyyyyyyyyyyy! Aaaaayyyyyyyyyyyyyy!

Sobrang tili ko nang hagisan ako ng maliit na ahas ni Danielle! Sa pagsisigaw ko, para akong baliw na hindi napainom ng gamot sa tamang oras. Kakahiya. Akala mo, nag-u-audition ako para sa isang play na ang role ay si Sisa Ang Baliw! Oh my gulay na amoy gaas! Di ko alam kung pano ako napautot nang di sinasadya na may kasamang, alam mo na…peanut butter!

Vous êtes comme une grenouille avec des yeux de l'autruche!


Kayo na lang ang mag-research sa translation. Ganyan ako pag nabibigla. Nagpi-French language! Di ko alam kung bakit.

How could you…

Hindi ko madugtungan ang sasabihin ko dahil nanginginig pa ako sa takot. Nilapitan ko ang humagis sa’kin ng ahas. Namutla rin siya dahil ‘di niya ini-expect na ganun katindi ang reactions ko. Hindi nga siya tumawa kahit pa nakita niya akong parang sumayaw ng tinikling habang nagma-macarena nang matapakan ko ang ahas!

“Sorry. I didn’t know you have irrational fear of snakes.” Apologetic sya.

Irrational? You call it irrational? Well, the last time I checked Encarta Dictionaries from my laptop, irrational means illogical, unreasonable, crazy, ridiculous, silly, absurd, groundless! Do you think it’s unreasonable for me to be afraid of vipers?

Heto na naman ako pag galit – spokening dollars!

Naku! Nanggigil pa ako sa kanya in major major way nang gamitin niya ang word na irrational. Akala niya di ko alam yung word na ‘yun. Hmmm…di lang pocket dictionary ang inuunan ko ngayon. Inuunan ko na pati na rin ‘yung laptop ko para ma-absorb ko ‘yung words from Encarta Dictionaries na installed dito.

“Well, snakes are just like big worms.” Dagdag pa niya.

Snakes are big worms. Are you nuts? Sabi ko, sabay naaalala ko na may peanut butter pala sa…oh my!

“I’m sorry again.”

Nairita pa ako sa pag-sorry niya. What is sorry if the harm has been done? Tinalikuran ko siya para pumunta ng CR.

Where’s the john? (International meaning: Where is the comfort room?) Tanong ko sa janitor na nasalubong ko.

“Turn to the right, second door.” Sosyal na instruction sakin ng janitor. Lupet! Naintindihan niya tanong ko at sumagot siya in English. At heto pa, British accent ang lolo mo. Parang laking London pero ang alam ko Tondo lang siya. London. Tondo. Magkatunog. Kaya pala.

Lahat ata talaga ng tao dito sa new school ko ay English-speaking. Ang chika nga, may multa daw mga janitors pag nahuli silang nagsasalita na hindi English. Considered one-day absent ‘yun.

“Dispose of your tissue napkins and toiletress properly, will you?” Paalala sa’kin ng janitress sa loob ng CR.

Opo. Di naman ako dugyot eh. Pairita kong sagot sa kanya. Anong akala niya sa’kin!

“Pardon? ‘Can’t understand you. Are you speaking German, Russian or something?”

Buwelta sa’kin ng ingleserang janitress.

Oh. I mean, I’m not filthy either. I know how to discard my junks. Anak ng patong panot ang ulo.

‘Di ako makapaniwala na ka-sparring ko sa English ang isang janitress. Siguro dahil takot na makaltasan sa sweldo kaya major major ang pag-English. Sa sobrang galing niya, pwede siyang i-make over at isali sa Miss Universe. Sigurado, masasagot niya ang anumang major major question.

“Good to hear that. So, how will you discard your junks?” Usisa pa niya.

You mean this tissue paper? Sabay pakita ko sa kanya ng tissue paper na ginamit ko sa pagpunas ng peanut butter sa ano ko.

“Yeah. Nothing less.”

Well, I can chew this here in front of you. Patutsada ko sa kanya. Kakairita na eh.

“Disgusting! Soothe yourself.” Sabay labas ng CR. Ang arte!

Haay naku! Makalabas na nga.

Paglabas ko ng CR, nakita kong hinihintay pala ako ni Danielle. Nginitian niya ako.

“Friends?” Tanong niya sakin pagkahawak ng kamay ko. Gulat pa rin ako. She wants me as her friend. Tango lang ang isinagot ko.

What a day! Di ko akalaing magkakaroon ako ng kaibigan dahil naipakita ko ang isang kahinaan ko. At para sa’kin, it’s true friendship kapag tanggap ng kaibigan mo lahat ng tungkol sa’yo.

Ako si Pipay. Irrational.

PIPAY Series Episode 3 (PIPAY, THE PRESIDENT)

PIPAY Season 1 Episode 3
PIPAY, THE PRESIDENT

I move to close the nomination. Bigla agad kong sabi bago pa maka-nominate ang seatmate ko.

“I second the motion.” Chorus ng buong klase.

Masama bang i-nominate ang sarili ko? It shows leadership skills, determination and sincerity. I want to lead this class. Bakit ko pa iisipin kung anong sasabihin nila sa akin. I can nominate myself. AKO NA RIN ANG NAG-NOMINATE SA MGA MAGIGING KALABAN KO. Siyempre, ako na rin ang nag-close ng nomination. Mautak ‘to noh.

Tulad ng tunay na halalan sa pulitika, pinag-speech kaming tatlong nominees. Nauna na ang dalawa at ako ang huli. Halos maihi ako habang pinapakinggan ko ang pagkumbinsi nila sa mga classmates namin para iboto sila. Namali ata ako ng piniling mga kalaban. Pinili ko ‘yung dalawa kasi nakita kong may shadow teachers sila. Nakupo! Maling game plan. Pa’no naman, kung mag-English sila, parang one week pa lang sila dito sa Pilipinas. Piece of cake sa kanila ang mag-English. Habang sa’kin, piece of sweet potato. Kamote! Nangangamote.

Kaya nung ako na, parang biglang dumaloy ang lahat ng dugo ko pababa sa talampakan ko. Parang akala mo na-marinate sa suka ang lips ko ng isang linggo. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan.

Dalawang buwan mula ngayon ay ipagdiriwang natin ang Linggo ng Wika. (Segwey ko.)

Kaya marapatin ninyong gamitin ko ang maharlikang Tagalog at ipagbunyi ang dangal ng ating lahi. Ako ang inyong lingkod, Felipa Canates tumatakbo bilang …

Nagsipalakpakan mga inglesera kong classmates kahit ‘di pa ako tapos mag-speech. Akala mo nakarinig sila ng foreign language. At saka nag-chant na sinisigaw ang pangalan ko.

“Felipa! Canates! Felipa! Canates”

Nabanguhan at nasarapan ako sa pagkakasigaw nila ng pangalan ko. Dinig ko: Tinapa! Kamatis!

Kaya hayun, tagumpay ang lahi ko. Ako ang na-elect na class president. Sa sumunod na part ng election, ako na ang nag-preside.

Bukás na ang palapag sa pagpili ng aking dakilang alalay. (English translation: The floor is now open for vice-president.)

Walang nagtaas ng kamay at nag-nominate. ‘Di ko alam kung bakit. Anong masama sa sinabi ko? Mali ba ang pag-Tagalog ko sa linyang ‘yun? Pa’no ba dapat? ‘Kaw nga.

At biglang tumayo si Annoying Orange.

“Mr. President, we begin to doubt your ability in leading this class. Thus, I move that you, Mr. President, will be removed from the position.”

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Ako si Pipay, walang inaatrasan. Kung English ang binato nila sa’kin, English din ang ipapamumog ko sa kanila. I don’t just back up, I mean, back down, without a fight. Maraming nadagdag sa vocabulary ko simula nang mag-unan ako ng dictionary last week kaya dudurugin ko sila sa verbal fight.

On what reasons? Is it with my inability to express myself well in English? Tanong ko sa kanila. Naginginig pati baba ko sa gigil.

“That’s one but we have several reasons.”

I’m sorry to hear that. But don’t you realize that I am a legitimate elected official and only impeachment can make me removed from my office. Be sure you know that what you are doing is constitutional because I know my rights. I am assured of the status quo if you cannot present the prima facie of the case you are building up against me. And I will bet my unproductive ovary when I say that you will fail bringing me down to your level. I am spitting fire right now because this is the biggest injustice I have experienced in my life.

Laglag panga nila sa interpolation ko. It’s blood everywhere! It’s massacre performed by me, Pipay. Noseblood sila sa Miriamic speech ko.

Standing ovation ang lahat except kay Annoying Orange. Nagkamali siya ng paraan ng pagsisibak sa’kin sa pwesto. I was provoked. Kung ‘di nya ako ginalit, ‘di ko kayang mag-English ng ganun. Buti di niya alam yun.

Natapos din namin ang election. Ngunit malaking bagay ang natuklasan ko sa sarili ko. Kaya ko palang ipaglaban ang sarili ko sa mga inglesera kong classmates. Kaya mamayang gabi, dalawang layers na ng dictionaries ang gagawin kong unan – Merriam-Webster at Oxford Dictionary.

“No one can make you feel inferior without your consent.” Sabi yan ni Eleanor Roosevelt.

Ako si Pipay. Transferree. Class president.

PIPAY Series Episode 2 (THE KID, THE RODENT, AND ME PIPAY)

PIPAY Series Episode 2
The Kid, the Rodent and Me, Pipay

Araay ko!

Ang sakit ng leeg ko. Pa’no ba naman, pinilit ako ng mom na gawing unan ang isang malaking dictionary para daw madagdagan ang vocabulary ko. Hmmp, kinuha lang nya kasi unan ko para ipagamit sa bago naming kuting. Di niya alam mas malalaki pa ang mga daga dito sa bahay kaya maya-maya lang niyan tiba-tiba ang mga rodents na yun.

Wait!

Ano daw? What did I just say? Did you hear that? RODENTS. Ano ‘yun? Bigla na lang lumabas ang word na’to from my tonsilitis. Tsk, tsk, tsk. Di kaya epektibo ‘yung pag-unan ko ng dictionary? Sa tingin mo?

Humanda sa’kin ang mga Inglera kong classmates na ‘yun. Level-up na’to. Upgraded. Enhanced. Promoted. Expanded. Fortified with iron. ISO Approved. Jalal Certified. In short, pwede na akong mag-inarte!

Kaya excited akong pumasok sa school. Pagtapat ko ng gate, kasabay kong pumasok ang isang grade one pupil na umiiyak dahil ayaw niyang ibigay ang hawak-hawak niyang pet. Gusto nya itong isama sa loob ng classroom. Bratinella! She is screaming on top of her voice! Pwede siyang gamiting fire alarm ng school. Kaya walang nagawa ‘yung parents nya kundi payagan siyang dalhin ito. Iniwanan siya ng fetcher niya sa lobby kasi sobrang aga pa at closed pa ang mga classrooms.

Habang nakaupo kami malapit sa isa’t isa, nakita ko kung ano ang pet nya. Daga! Duh, kelan pa naging pet ang daga. At kinulayan nya lang ito ng brown at white. ‘Kala niya, di na ako madidiri dun. Hello, ang daga, daga! Kulayan mo pa man ito ng rainbow, daga pa rin ‘yun.

Maya-maya pa, nakikita kong sinisipat-sipat nya ako habang haplos-haplos niya ang daga. Kadiri talaga. At nagulat na lang ako nang kinausap niya ako.

“Hey, egghead.” Umpisa sa’kin ng grade one pupil na katabi ko.

I was startled and got offended. Kaya sabi ko, Don’t you dare call me HEY! Minsan pinapatulan ko ang ‘di ko ka-level para maiba naman.

Pero parang hindi niya naramdaman na nagalit ako.

“Say hi to Ratatuille.” Sabi niya habang inuutusan nya akong batiin ang daga. Cool pa siya.

Nakuuu! Pag nagagalit pa naman ako, straight English ang tira ko. Never mind na ng subject-verb agreement o kaya proper syntax, object complement, figure of speech, and tenses of verbs.

How dare you have the audacity to insinuate that I could tolerate such a despicable insolence of a diminutive scrap of humanity such as you! Naku, sa sobrang gigil at diin ko sa mga salita ko, nakuha kong i-recite yung buong linyang yun in one breathing! Medyo kinapos nga ako ng hininga. Hirap kaya, try mo! ‘Wag na, ‘di mo kaya.

Siguro naman, nagulat ko na sya.

“Really? Whatever.” Anak ng patong panot ang ulo. At sumasagot pa ang kutong lupa na’to. Sana pala ‘di ko na lang pinatulan.

You are such a spoiled brat with a spoiled rat from a soiled mat under the cot of a fat cat! Enough of this. Nag-tounge twister na ako. Meaning, galit na talaga ako.

“This is hamster, loser.” Sabay kuha ng bag niya at umalis papuntang classroom niya.

I was left frozen. Frigid, fragmented, frosty. I learned my lesson.

I should have talked to that kid better than I did. ‘Kala ko kasi kaya ko siyang sindakin ng mga English ko. I barked up at the wrong bark of the tree.

Ako si Pipay. Transferree.

PIPAY Series Episode 1 (PIPAY'S FIRST DAY HIGH)

PIPAY Episode 1
Pipay’s First Day High

Mom, I’m home!

‘Naaay! At walang sumasagot.

Hello, anybody home?

Siguro di nila alam ako ‘to, kasi pa-English-English pa ako. Eh kasi naman mga Englisera na ang kaklase ko ngayon. Ang saya nga eh, andami ko ng friends kahit first day ko pa lang sa Peladelpiya Hayskul. Pero miss ko na agad BFFs ko na naiwan ko sa Mababang Paaralan ng Brgy. Maudo. Well ok lang, astig naman mga bago kong classmates dito sa Maynila. At heto pa, sobrang gagaling ng mga teachers ko dito. Di tulad ng mga dati kong teachers doon, magagaling lang bumato ng chalk at eraser at tsaka magbenta ng ice candy at yema sa amin. Minsan nga ako pa ang pinagtitinda eh. Dito? My teachers are teaching outside the … circle…box…circle…box circle.

Biglang galing ko nga sa English. Pero di naman major major nang magaling. Ngayon ngang maghapon, andami kong natutunan. Lessons are in HOTS, as in higher order thinking skills.

Una kong subject, Civics. Noseblood agad ako. Ibang klase. Argumentation and debate ang drama ng mga kaklase ko. Meron isa dun, bratatat talaga, parang si Miriam Santiago ang bibig. Katakot. Tameme ako. Maya-maya pa, biglang tanong ng teacher ko, “What’s the big idea?”

Shocks! Ako lang ang hindi nagtaas ng kamay. Kaya nagtaas na rin ako sabay wish na huwag akong matawag. Aba, at ako pa ang tinawag. Anak ng shawarma naman, oh, oh. Da big idea is… I don’t have any idea. Eh wala eh. Pure English kasi sila kanina sa debate. Kaya punas ng punas lang ako ng dugo sa ilong ko.

Di ko nga maintindihan kung bakit Capteyn ang tawag nila sa Civics teacher namin. Hindi pala, Captain. Kasi naman ang alam ko lang, major. Major, major.

Sumunod na pumasok, Langguweyj teacher namin. Hindi pala, Language. Biglang galing ko talaga noh.

Pinagbasa kami isa-isa. I eat all the fettusini pasta from the big bawl.

Biglang sigaw ng teacher ko “What? Read again.” Basa ulit ako, I eat all the fettusayni from the big bawl.

“Again!” Sabi nya. Di ko talaga ma-pronounce ng tama yung fettusini, fettusayni. Buti naman nag-volunteer yung kaklase kong tinatawag nilang Annoying Orange.

I eat all the fettucini from the big bowl. Fine. Kayo na ang magaling. Fettucini pala yun. Pinaarte ko na nga yung pagbasa ng bowl, bawl, namali pa ako. Pero tingnan nyo naman, I’m learning… big time.

I eat all the fettucini from the big bawl. Mas gusto ko bawl. Spokening dollars na talaga ako.

Kanina nga narinig ako sa canteen ng directress namin na nagsasalita ng Tagalog. Sabi nya sakin “Speak English.” Sabi ko, “Yes, mam.” Tanong nya sakin, “What did you have for lunch?” Nanginig ako. Di ko alam yung English ng sitaw at tinapang galunggong. Kaya sabi ko, I eat all the fettucini from the big bawl. “And the dessert?”, pahabol niya. Anak ng pagong na pakitong-kitong, ano ba ang English ng yema? Alam nyo ba? Kaya sabi ko na lang, “Oh, it’s fettucini, very yummy.”

Science time. Ang gara ng textbook namin. Glossy kung glossy. At Singaporean ang standard kaya Singaporean dollars naman ang tag price. Biglang pasok ng teacher namin, “Our laboratory works today are dissecting bacteria and slicing atoms.” Hala, saan ako huhuli ng bacteria at pupulot ng atoms? Buti na lang binulungan ako ng seatmate ko, “It’s just a microscopic joke.”

Dumating ang CL class. “Recite Psalm 23.” The Lord is my shepherd, I shall not be in want. Wow, ni-recite ng mga kaklase ko ang pagkahaba-habang yun. Love, love, love, love! Di ko kaya yun in million years.

Pero alam mo ba napagalitan ako sa isang subject. Sa Filipino. Bakit? Aba, alam na alam ko yung sagot sa tanong ng teacher ko. Ano ang simuno? Biglang taas agad ako ng kamay. Sagot ko, “Ang simuno is the one being talked about.” Di ba ang galing ko na nga mag-English pero nagamit ko naman sa Filipino subject namin. But the point is I’m learning.

First day ko kanina na magkaroon ng Chinese class. Lao shr, tsao fan, bati ko sa teacher ko. Sobrang tutok talaga ako sa klase namin. Aba, this is my chance to learn a foreign language. Tinanong ako ng seatmate ko kung anong Chinese words ang alam ko. Hmmm, minamaliit ako nito ha. Kaya sabi ko, di lang Chinese words, buong kanta pa. Sinampolan ko nga. A-butchikik, ik-ik-ik. Bubuchichang, chiririkungkwayla, a-butchikik, ik-ik-ik. Tameme sila.

Last subject namin yung peyborit ko. Math. Mental computation. Gary spent P2 million from the fund of P5 million. How much is left in the fund? Patay! Di ko kaya ‘to sa mental tapos ako tinawag. I was taken aback. I thought I am good, I am splendid, I am supercallifragilisticexpialidocius! Chadrikabandaranaikekumaratunga! I wanna eat fetuccini right now. From a big bawl.

“Sir, I can’t do it. In millions na kasi eh tapos mental computation pa.”

Five million minus two million. Sige nga, ikaw nga. Mental lang ha.

Hay naku, matawag nga ulit ang mga tao dito sa bahay.

Mom? Where’s the john?

“Anooo?” At andito lang pala ang mom.

Where’s the john?

“Hay naku, andyan lang yan! Bukas hindi ka na papasok ha?”

Why, oh why, Mother?

“Andami mo nang nalalaman.”

Mother, you can never can tell … over my dead fingernails. #