PIPAY SERIES Episode 9
Pipay and Doray, The Exploder
“Pipaaaaay, nasaan ka ba?”
“Why, oh, why Mother?!” Taranta akong lumabas ng kuwarto.
“Tingnan mo nga itong ginagawa ng kapatid mo. Pinu-floor wax na ni Doray ang sahig natin ng tae niya.”
Nakita ko ngang nag-yellow ang gitnang bahagi ng aming sala. At nandoon sa gitna ang aking kapatid na si Doray, nagpa-slide-slide, ngiting-ngiti at masaya pang pumapalakpak. Para siyang maduming biik na nagpagulong-gulong sa putik.
“What am I gonna do here?”
“Pa-gonna-gonna ka pa dyan. Paganahin mo kaya utak mo. Kung gusto mo, gamitin mo lahat ng English words na alam mo para malinis lang ‘yang kapatid mo.” Pasinghal na utos sa’kin ni Inang Mom.
“Come here, shobe. Stop sucking your thumb for a moment.” Naku, nagfi-finger-licking-good na ang kapatid ko. Halos hindi ko siya malapitan.
“Anak ka ng panis na laway, Pipay. Lapitan mo siya kung hindi, hay naku, gagawin kong floor polisher ‘yang mukha mo dyan sa sahig na’ yan para malinis lang ‘yan.”
Naiintindihan ko naman si Inang Mom kung bakit lagi siyang galit. Pagod lang sa lahat ng gawain sa loob ng bahay pagkatapos na lumayas ang katulong namin. Hindi malinaw kung bakit umalis si Yaya Loring pero sabi niya dahil daw kay Doray. ‘Yun lang sabi niya.
Pero kilala ko ang kapatid ko. Mabait si Doray. At may malaki kami nitong sekreto. Alam niyo ba, hindi alam ng mga tao sa loob ng bahay na madaldal si Doray. Hindi kasi siya dumadaldal ‘pag nandyan sina Inang Mom at Tatay Pop.
“This is an unspeakable atrocity, little sistah. You have exploded your dung so magnanimously all over the place. Gross, repugnant, hideous, vile, abhorrent activity of yours! Eeew!”
Dinala ko siya sa banyo at inilubog sa tub, nag-bubble bath siya. In farness, ito ‘yung gusto kong moments namin. BFFs kaya kami ‘di tulad ng ibang magkakapatid na may tinatawag na sibling rivalry. Madali akong mag-open up sa kanya. At heto pa, ang galing-galing na rin niyang mag-English kasi palagi ko siyang tinuturuan.
“Shobe, I don’t wanna go to school anymore. I don’t belong there. It’s horrendous, preposterous and supercallifragilisticexpialidocious there!” Bulalas ko sa kanya habang ini-scrub ko back niya.
“Why oh why Atchie?” Tanong niya sa’kin sabay blow ng bubbles sa mukha ko.
“Everybody’s good in my class. Every day is a competition that I must endure. And I keep on hearing from our teachers ‘Go Big or Go Home. It’s suffocating. It’s getting into my nerves. ‘Can’t take it anymore.”
“Oh, that’s it?” Buwelta niya sa’kin na para bang sobrang irrelevant lang ang sentiments ko.
“Yes, and do you think I am beside the point?”
“No. What I mean is, you must feel blessed you belong in that particular class. Excellence is better to be a nurtured group culture than self-habit. ”
Gets nyo? Lalim ng kapatid ko, noh. ‘Yan ang secret namin ni Doray. Na isa siyang genius! Over-the-top ang kanyang aptitude sa linguistics and vocabulary skills.
Kaya nga hindi na si Doray napag-uutusan ni Inang Mom na bumili sa tindahan. Pa’no kasi, laging wala siyang nabibili. Alam n’yo ba kung bakit? Pakinggan natin kung pa’no siya bumili sa tindahan:
Doray: “Madame, will you please give a set of steamed, headless fishes soaked in tomato juice, garnished with tropical chili, stuck in a pressure-sealed container?”
Tindera: “Wala kami ‘nun.”
Doray: “Oh, how about Meclizine Hydrochloride?”
Tindera: “Ano daw? Doray, uwi ka muna ineng at ipalista mo na lang sa lelang mo ang mga bibilhin at baka duguin pa ako sa’yo.”
‘Yun ay noong isang araw na pinabibili siya ng sardinas (hot and spicy) at Bonamine.
At ngayon ko na rin sasabihin sa inyo kung bakit umalis si Yaya Loring. Dahil kay Doray.
Doray: “Yeah-yeah, will you prepare me a glass of an opaque white fluid produced by cows, sheeps or goats?”
Yaya: “Ano ba ‘yun?”
Doray: “Oh nevermind. I’ll change my order. How about preparing me nutritious grain produced by a cultivated plant belonging to the grass family like corn or wheat?”
Yaya: (Tulala)
Doray: “Yeah-Yeah, I’m waiting.”
Yaya: “Uuwi na ako sa amin. Ang hirap mong kausap. Kaya nga ako namasukan bilang kasambahay dahil hindi ko kaya sa call center at heto ka, kung magsalita parang nagbabasa lang ng encyclopedia.” (Sabay pasok sa kwarto at nag-impake.)
Doray: “I want cereals. That’s all I’m asking. Yeah-yeah, come back!”
“Pipay, pinagpapraktisan mo na naman ‘yang kapatid mo sa pa-English-English mo. Ni hindi pa nga ‘yan nakakapagsalita. Mabuti pa turuan mo na lang magsulat ‘yan. Preschool na ‘di pa marunong magsulat ng one-to-ten.” Sigaw ni Inang Mom mula sa kusina.
Parang gusto kong i-explain sa kanya na hindi area ni Doray ang numerical world dahil nga ang expertise niya ay linguistic aptitude. Kung alam lang niya.
“Anong inuungot-ungot mo dyan kay Doray?”
“ Nothing, Mother. As in negative to the maximum highest zero. Null and void.” Malumanay kong sagot sa kanya habang karga-karga ko si Doray na nakabalot ng tuwalya.
Ako si Pipay. Big sistah ni Doray.
No comments:
Post a Comment