Special Edition: Mumay Series
Ako si Mumay. At ayoko nang mag-aral.
Kung ganito rin lang ang ginagawa ng nag-aaral, ayoko na! Tingnan mo ‘to. Oo, papel nga. Pero ano ang nakalagay? Hmmm. Mabasa nga…
ANG EPEKTO NG GUPIT NG BUHOK NI JUSTIN BIEBER SA DALOY NG KASALUKUYANG PANDAIGDIGANG KALAKALAN AT USAPING PANGKAPAYAPAAN
– Isang Pagsisiyasat
“Duh, what a Canadian stuff! How does somebody’s hair mess up with the global economy and the issue of national security? Ostentatious and pompous! Oh, maybe because he’s got sebhorric dermatitis (tsekpoynt: balakubak po) which ruined the entire ecology. What do you think Mumay?”
Economy? Ecology? Ewancosayology!!!
Yan. Yan ang nabulalas ng kaklase kong ingleserang si Pipay na, nakakain lang ng binigay kong expired na Choknut, na napaniwala kong imported na M&Ms ‘yun, hayan, nawili na sa spokening dollars. Ni hindi pa nga ata siya nakasakay ng domestic flight, akala mo kung…Teka, bakit siya ang pinagdidiskitahan ko? I remember, I need to went to the city library for a supercalifragilisticexpialidocious research a.k.a copy-paste. Tama ba banat ko? Kabog ang radiation level ni Pipay ‘dun!
“Mumay, may I be your research-mate? Pleaaase…” Nagmakaawa ang frustrated American citizen.
“Research-mate? Mas kailangan ko ng Coffee-Mate. Babushka, choknut girl.” Mabilis kong sagot sa kanya. Hindi ko kaya ang presence niya. Naaapektuhan ang dugo ko. Hindi dahil naha-high blood ako kundi nagno-nosebleed ako minu-minuto dahil sa kanya. Kumukulo ang dugo ko sa kanya at pag nari-reach nito ang boiling point, hayun, there is eruption and outburst of hemoglobin from my nasal cavity which is a relative indication of Pea Pie Syndrome. Pak!
*** ITUTULOY ***
No comments:
Post a Comment