Ano si Pipay?

Si Pipay ang maghahandog sa inyo ng katuwaan at pati na rin aral sa buhay! Basahin at sundan ang kanyang buhay-buhay.

Sunday, October 28, 2012

PIPAY SERIES Season 2 Episode 3 LOOKING THROUGH THE EYES OF...DORAY!

PIPAY SERIES Season 2 Episode 3 LOOKING THROUGH THE EYES OF...DORAY! “Nothing will change, Doray. Nothing will change.” Sabay yakap ko sa kapatid kong tahimik na umiiyak habang nakadungaw sa bintana. Umiiyak na rin ako. “You are my little sister. Nobody can change that.” Ito na yata ang pinakamadilim at pinakamalungkot na dapit-hapon sa buhay namin bilang magkapatid. Awang-awa ako kay Doray. She doesn’t deserve to experience this kind of pain. Bata pa siya para maunawaan at matanggap lahat ng mga nangyayari dito sa bahay. “They may change your surname but they can’t take away my love for you. We’ve been sisters for five years and it stays forever. The word ‘adopted’ will not matter between us.” Yakap-yakap ko siya at hinahaplos-haplos ang buhok niya. It’s so unthinkable na kukunin na si Doray ng kanyang mga tunay na magulang. Hindi isang tutang naligaw sa bahay namin ang kapatid ko para kunin na lang nila ng basta-basta. Kapatid ko ang kinukuha nila. Hindi bagay, hindi hayop. Kapatid ko ang kinukuha nila. “Ate Pie, can you help me pack up my things now?” Sabay hila niya ng kamay ko papuntang kwarto namin. Mahinahon na siya. Mas mahinahon pa sa akin ang kapatid ko. Mabibigat ang mga paa kong humakbang na waring nakasuot ako ng bakal na tsinelas habang may hila-hilang mahabang kadena. Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Doray. Napatigil siya sa paglalakad. Tiningnan niya ako nang lumuhod ako sa kanyang harapan. “We’re not doing it! We’re not packing up anything yet. Not just yet. Were’not doing it. This is crazy.” Iiling-iling akong nanginginig na ang baba sa sobrang iyak. “Miracle happens, Ate, but not today. Acceptance is the nearest remedy. Make it easy for me by acting like you are my older sister.” Mugtong-mugto na ang kanyang maliliit na mga mata. Halos wala ng mailuha. Parang balot na ng dugo ang gilid ng kanyang mga mata. “You’re giving up on us?” Tanong ko habang nahihirapan sa paghinga. “Just let me go. Sometimes holding on makes the pain worse and unbearable, at the same time, letting go at once makes the healing easy and fast. This, too, shall come to pass, Ate. I heard you right, really, nothing will change between us. But for now, I need to go.” Lumakad siya papasok ng kwarto namin. Tumutulo ang luha niya na wala akong naririnig na hikbi. Iyon ang pinakamasakit na paraan ng pag-iyak sa pagkakaalam ko. Naiwan akong nakaluhod pa rin habang tinatanaw ko ang kapatid kong nagsisimula nang mag-impake. Nilingon ko ang bintana. Ang dilim na ng langit. Umihip ang malamig na hangin sa mukha ko. Nasamyo ko ang amoy ng bulaklak ng dama de noche sa tapat ng bahay namin. Noon, ayaw na ayaw ko ng amoy nito pero nagustuhan ko na rin nang malaman kong gusto pala ito ni Doray. Nire-request niya na hayaang nakabukas ang bintana namin pag gabi. Pag wala na siya, mahirap ko siyang makalimutan lalo na pag sumapit na ang gabi at maamoy ko ang dama de noche. Sumunod na rin akong pumasok ng kwarto. Tinabihan ko si Doray. “Ate…” Tawag niya sa’kin nang ‘di ako nililingon. Hinintay ko siyang dugtungan ang sasabihin niya. Wala. Matagal. Nilingon ko siya na hindi nagsasalita. Pagod na ako. Emotionally. Physically. “Ate, I’m afraid. Of everything. But I realized I can actually make it. You have trained me for this. I have inner strength and confidence to confront every adversity in my life. BUT IT’S STILL DIFFERENT WHEN YOU’RE AROUND.” Sabi niya sabay pisil ng kamay ko. “Oh, my little sister!” At niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak kaming dalawa kahit wala ng iluha. Hagulgol lang. BIGLANG BUMUKAS ANG PINTO. Si Inang Mother! “Pipay, bakit kayo nag-iiyakan dyan? Kumusta na ang puwing sa mata ni Doray?” Gulat din ang Inang Mother sa nadatnang tagpo. “Okey na po. Wala na ‘yung puwing ni Doray. Nahirapan nga kaming alisin.” Ngumiti na rin Doray. Para kaming mga anak ni Sisa. Mga timang! “Eh bakit kayo nag-iiyakan dyan?” Urirat pa ni Inang Mother. “Inang Mother, yun nga eh. Nahirapan akong alisin ang puwing niya kaya naisip ko na lang na magdrama-dramahan kami at umiyak para madaling dumulas ang puwing palabas ng mata ni Doray.” “Ay, ewan ko sa inyo. Andami nyo pang nalalaman. Hala, punta na sa hapag at kakain na tayo.” Sabay alis papuntang kusina. Nagtinginan kami ni Doray at nagtawanan. “We did it, Doray!” “Thanks, Ate Pie!” P.S. To readers, Huwag ka na ring umiyak. Hindi ka naman napuwing di ba?.

HINDI NA BAHAY 'TO - INTERNET CAFE NA! (An Original Declamation Piece)

“Wala pang pagkain?! Bahay pa ba ‘to?” Sigaw ko sa kusina sabay kalampag ng mga pinggan at kaldero. “Inay, nagtatanim ka na naman! Makakain ba namin ‘yang mga pinagtatanim mo sa FarmVille? Pagbubunganga ko sa Nanay ko. “Pa-Tetris naman oh.” Hirit ko. “Tigil-tigilan mo ako dyan Lucrecia ha. Pagod ako sa maghapong paglalaba. Nag-a-unwind lang ako. At malalanta na mga tanim ko kaya nag log in na ako. Kaya ikaw na magsaing dyan. “Pa-Tetris muna. Isang level lang. Please!” Ungot ko. “Wala ka sa pila. Maglalaro pa daw si Kuya mo ng Cocogirl pagkatapos ko dito.” Padabog akong bumalik ng kusina. Tiningala ko ang lagayan ng mga panggatong na kahoy. Walang kahoy. Sumandok ako ng tubig sa tapayan. Walang tubig. Inalog ko ang lalagyan ng bigas. Walang bigas. “Nasaan si Itay?!” Sigaw ko sa pagkainis. “Huwag mong hanapin ang nagdo-Dota!” Pasinghal ding sagot ni Mamaw, ang kapatid kong baby bakulaw. “Apo, i-like mo naman bago kong profile pic sa FB. Tingnan mo na rin ‘yung cover photo ko sa timeline.” Lambing ni Lola Gets sa’kin. “Lola, binuksan ko na po FB mo. Di ko na ma-open profile nyo eh. Baka naman kasi kung anu-ano ang pinaglalagay ninyong pictures dun kaya ni-report ng ibang users.” Natigilan siya. Tahimik. Guilty? “Hmp, inggit lang sila sa mga pose ko at mga lingerie na ginamit ko.” Weh! Lingerie? Spell lingerie. “Oo, lingerie na nabili ko sa ukay-ukay.” Lingerie galing ukay-ukay? Good luck sa singit mo Lola! Eh pa’no naman pose na ginawa mo? “Ah eh, ginaya ko lang naman ‘yung pose ni Pamela Anderson sa Baywatch.” Nagmuwestra ang mahadera kong Lola. Legs wide open, left arm down, right arm across the chest. Bongga di ba! “Lola Gets, na-blocked na po kayo.” What do you expect? “Bakit ganun? Paramihan pa naman sana kami ng “like” ng pictures ni mareng Ising.” “Ni Lola Ising? Naku naman Lola Gets, ia-unfriend kita pag nagka-FB ka ulit. At huwag na huwag mo akong ma-tag sa anumang pictures mo. Gets mo Lola?” Kaloka! Pilyang ngiti naman ang drama ng lola mo. “Kung na-blocked na FB ko, follow mo na lang ako sa Twitter.” Aba, akalain mo ‘yan! Twitter daw. Nagmamaasim pa talaga si Lola! “Sige po. Ano Twitter username mo?” “I-type mo na lang sexygrannybunnyhoney@yahoo.com.” Pak! Pak na pak! “Lola, you already! Ikaw na! Eh sino naman mga pina-follow mo sa Twitter?” “Piling-pili ko lang. Justin Bieber, Miley Cyrus, Kathryn Bernardo, at Aljur Abrenica.” Bakit mo pala naisipang mag-Twitter? Ako nga halos hindi ko nabubuksan account ko. “Eh, kesa mangapit-bahay pa ako, sa Twitter na lang ako nakikipagtsismisan. International pa ang mga tsismosa. Syempre ako ang reyna! The fairest of them all.” Buti naman at nagka-Twitter na. Kasi noon, binabato bahay namin ng halos lahat ng kapitbahay kasi Lola ko ang pasimuno ng tsismis sa barangay namin. “Siyanga pala apo, ikaw na magsabi sa tatay mo na bumili na ng bagong camera para sa desktop natin. Di na kasi ako nakakagamit ng Skype. Dalawang buwan na. Baka hanapin na ako ni Hideyoshi. ” “Hideyos-ko! At sino naman siya sa buhay mo?” “Chatmate kong Hapon. Bakit ba.” Makalipas ang isang oras. “Nay, ikaw na lang ang hindi pa kumakain. Tama na ‘yang Facebook. Siguro naman nakapag-harvest ka na sa FarmVille mo.” “Tapusin ko lang itong isang level ng Tetris. Tatalunin ko kasi itong ka-match up ko.” Hala! Eh sino po ba kalaban nyo? “Si Gary, kaklase mo.” “Nay, naman! Bigyan mo naman ako ng kahihiyan. Pa’no kung natalo ka nyan, baka ako ang asarin sa klase.” Pumasok ako sa kwarto at nag-lock ng pintuan. Madilim ang paligid sa paningin ko. Maitim ang mga balak ko. This has to stop! Hindi na bahay ‘to. Internet cafĂ© na! Wala nang kaayusan sa pamamahay na ito. Mamyang gabi, puputulin ko ang kordon ng internet connection. Pupuntahan ko ang kapitbahay namin at pagsasabihang lagyan na ng password ang Wi-fi para hindi na makasagap ng signal ang mga tao sa bahay. Bukas na bukas. Magbabago ang lahat.