Ano si Pipay?
Si Pipay ang maghahandog sa inyo ng katuwaan at pati na rin aral sa buhay! Basahin at sundan ang kanyang buhay-buhay.
Sunday, October 28, 2012
PIPAY SERIES Season 2 Episode 3 LOOKING THROUGH THE EYES OF...DORAY!
PIPAY SERIES
Season 2 Episode 3
LOOKING THROUGH THE EYES OF...DORAY!
“Nothing will change, Doray. Nothing will change.”
Sabay yakap ko sa kapatid kong tahimik na umiiyak habang nakadungaw sa bintana. Umiiyak na rin ako.
“You are my little sister. Nobody can change that.” Ito na yata ang pinakamadilim at pinakamalungkot na dapit-hapon sa buhay namin bilang magkapatid. Awang-awa ako kay Doray. She doesn’t deserve to experience this kind of pain. Bata pa siya para maunawaan at matanggap lahat ng mga nangyayari dito sa bahay.
“They may change your surname but they can’t take away my love for you. We’ve been sisters for five years and it stays forever. The word ‘adopted’ will not matter between us.” Yakap-yakap ko siya at hinahaplos-haplos ang buhok niya. It’s so unthinkable na kukunin na si Doray ng kanyang mga tunay na magulang. Hindi isang tutang naligaw sa bahay namin ang kapatid ko para kunin na lang nila ng basta-basta. Kapatid ko ang kinukuha nila. Hindi bagay, hindi hayop. Kapatid ko ang kinukuha nila.
“Ate Pie, can you help me pack up my things now?” Sabay hila niya ng kamay ko papuntang kwarto namin. Mahinahon na siya. Mas mahinahon pa sa akin ang kapatid ko. Mabibigat ang mga paa kong humakbang na waring nakasuot ako ng bakal na tsinelas habang may hila-hilang mahabang kadena.
Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Doray. Napatigil siya sa paglalakad. Tiningnan niya ako nang lumuhod ako sa kanyang harapan.
“We’re not doing it! We’re not packing up anything yet. Not just yet. Were’not doing it. This is crazy.” Iiling-iling akong nanginginig na ang baba sa sobrang iyak.
“Miracle happens, Ate, but not today. Acceptance is the nearest remedy. Make it easy for me by acting like you are my older sister.” Mugtong-mugto na ang kanyang maliliit na mga mata. Halos wala ng mailuha. Parang balot na ng dugo ang gilid ng kanyang mga mata.
“You’re giving up on us?” Tanong ko habang nahihirapan sa paghinga.
“Just let me go. Sometimes holding on makes the pain worse and unbearable, at the same time, letting go at once makes the healing easy and fast. This, too, shall come to pass, Ate. I heard you right, really, nothing will change between us. But for now, I need to go.” Lumakad siya papasok ng kwarto namin. Tumutulo ang luha niya na wala akong naririnig na hikbi. Iyon ang pinakamasakit na paraan ng pag-iyak sa pagkakaalam ko.
Naiwan akong nakaluhod pa rin habang tinatanaw ko ang kapatid kong nagsisimula nang mag-impake. Nilingon ko ang bintana. Ang dilim na ng langit. Umihip ang malamig na hangin sa mukha ko. Nasamyo ko ang amoy ng bulaklak ng dama de noche sa tapat ng bahay namin. Noon, ayaw na ayaw ko ng amoy nito pero nagustuhan ko na rin nang malaman kong gusto pala ito ni Doray. Nire-request niya na hayaang nakabukas ang bintana namin pag gabi. Pag wala na siya, mahirap ko siyang makalimutan lalo na pag sumapit na ang gabi at maamoy ko ang dama de noche.
Sumunod na rin akong pumasok ng kwarto. Tinabihan ko si Doray.
“Ate…” Tawag niya sa’kin nang ‘di ako nililingon.
Hinintay ko siyang dugtungan ang sasabihin niya. Wala. Matagal. Nilingon ko siya na hindi nagsasalita. Pagod na ako. Emotionally. Physically.
“Ate, I’m afraid. Of everything. But I realized I can actually make it. You have trained me for this. I have inner strength and confidence to confront every adversity in my life. BUT IT’S STILL DIFFERENT WHEN YOU’RE AROUND.” Sabi niya sabay pisil ng kamay ko.
“Oh, my little sister!” At niyakap ko siya ng mahigpit. Umiyak kaming dalawa kahit wala ng iluha. Hagulgol lang.
BIGLANG BUMUKAS ANG PINTO. Si Inang Mother!
“Pipay, bakit kayo nag-iiyakan dyan? Kumusta na ang puwing sa mata ni Doray?” Gulat din ang Inang Mother sa nadatnang tagpo.
“Okey na po. Wala na ‘yung puwing ni Doray. Nahirapan nga kaming alisin.” Ngumiti na rin Doray. Para kaming mga anak ni Sisa. Mga timang!
“Eh bakit kayo nag-iiyakan dyan?” Urirat pa ni Inang Mother.
“Inang Mother, yun nga eh. Nahirapan akong alisin ang puwing niya kaya naisip ko na lang na magdrama-dramahan kami at umiyak para madaling dumulas ang puwing palabas ng mata ni Doray.”
“Ay, ewan ko sa inyo. Andami nyo pang nalalaman. Hala, punta na sa hapag at kakain na tayo.” Sabay alis papuntang kusina.
Nagtinginan kami ni Doray at nagtawanan.
“We did it, Doray!”
“Thanks, Ate Pie!”
P.S.
To readers,
Huwag ka na ring umiyak. Hindi ka naman napuwing di ba?.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Amazing! Its genuinely amazing piece of writing, I
ReplyDeletehave got much clear idea on the topic of from
this paragraph.
Look into my web blog ロレックスコピー時計
Hello there! I just would like to give you a huge thumbs up for
ReplyDeleteyour excellent information you've got here on this post. I will be returning to your site for more soon.
My web page ... ミュウミュウ
Wow, this post is pleasant, my younger sister is analyzing these
ReplyDeletethings, thus I am going to let know her.
Also visit my web page :: コーチ アウトレット
I don’t know how should I give you thanks! I am totally stunned by your article. You saved my time. Thanks a million for sharing this article.
ReplyDeleteHello po.... Pwede po bang gamitin ko yong piece ninyo pero yong mga english ay tatagalogin ko po?
ReplyDeleteHello!
ReplyDeleteWe are Blogs Ng Pinoy, an online directory of blogs made by Pinoys worldwide. You registered with us before but somehow failed to link us back (or we can't seem to find our link anymore) here in your blog site. In this regard, we're writing to inform you that a new and simpler link badge is now available at BNP. You may use it to link us to your website/blog.
(NOTE: Linking BNP was a requirement when you first registered with us, failure to do so may result to your blog being removed from the listings. If you've already linked BNP, please do inform us through our CONTACT US page.
Best Regards,
BNP
blogsngpinoy.com