PIPAY Season 1 Episode 5
PIPAY BLUSHED
Ang gaaaanda ko!
Nakatingin siya sa’kin. Nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang pagba-blush. Pipisik-pisik pa akong parang catfish na dinakma sa putik. Goshness, ganito ba ako kaganda? Haba ng split-ends ko!
Papalapit siya sa’kin. Pa’no ba ‘to? Pa’no ako ngingiti? Ano sasabihin ko?
“Pipay”, tawag niya kasi nakayuko ako na kunwari ‘di ko alam na papalapit siya sa’kin. Ang sarap sa pandinig ko ang pagkakatawag niya sa pangalan ko. Umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi ko kaya naman parang puwet lang na nagka-allergy at namula.
Not my intention to be rude with you but all the seats here are already taken. If you’ll excuse me, I’m better off alone.
Pagtataboy ko sa kanya kahit mag-isa lang ako sa canteen table. Ito ang drama ko kasi hindi ko talaga alam kung ano sasabihin ko. At isa pa, ayaw ko na siyang mas lumapit pa kasi kakautot ko lang ng bonggang-bongga. Para akong La Mesa Dam na nagpakawala ng malaking volume ng tubig. Ganito ako pag kinikilig – umuutot!
Biglang kumunot ang noo niya. Di ko alam kung dahil ‘dun sa sinabi ko o naamoy niya ang itlog, longganisa, bagoong at sibuyas sa ought-taught ko. Pero imposible naman na ‘di pa niya naaamoy yun kasi ako nga para na akong mahahatsing! Ang lakas ng tama, talo pa ang durog na paminta! Para pa ngang kumapit pa sa mga kurtina at pader ang amoy.
“Can I ask you something?” Tanong niya sa’kin sabay ngiti na parang nagmo-model ng toothpaste. Bulagta ako sa killer smile niya. Shocks! Inlababo na’ko.
What about? Pataray kong tanong ko sa kanya.
“Of course it’s not about your favorite food because I exactly know it’s egg, native sausage, and fish sauce with onions.” Sabi niya habang ako naman ay aligaga sa kakapaypay ng malaking folder na parang nagbubugaw ng langaw na wala naman. Amoy na amoy pa kasi. Sabi ko sa’yo eh, kumapit pati sa balat ko ang amoy. Parang kaamoy ko na ang isang kusinang walang exhaust fan.
“Can I have Danielle’s number? She’s your friend, right?” Ah ganun. May kailangan pala siya sa’kin at number pa ng kaibigan ko. Para akong binuhusan ng malamig na asido. I am flustered. From kilig, bigla akong nakaramdam ng nginig. Kairita. Nasayang ang kilig moments ko kanina.
Do I look like a telephone directory to you? Mind you, I’m not even her personal assistant. If you really want to know her number, then, I can give you the landline of her mom’s office. Dial BANTAY BATA 163 and the line will connect straight to her and simply ask from her.
Bitter! Mas mapait pa ako sa ampalaya at apdo ngayon. Akalain mo ‘yun, hindi ako ang feel niya! Napautot pa ako sa kilig kanina tapos heto at hinihingi niya number ng kaibigan ko.
“Just as I expected, you are really tough. How about you give me your mobile number? Because that’s what I will ask from Danielle when I text her.”
You won’t have it in million years! Ever! Never! In your dreams! Not a chance! By no means! Not in the slightest! Duh!
Pagtataray ko sa kanya sabay alis at iniwanan ko siya. Ramdam ko ang sayad ng buhok ko sa sahig na parang nagwawalis ng dumi sa dinadaanan ko. Lalong dumami split-ends ko. Ganda ko, friend! Sey mo.
Nilingon ko siya bago pa ako tuluyang lumabas ng pinto ng canteen. Nakatingin pa siya sa’kin na mukhang kinikilig. Kaya hayun, tatlong mahahabang ought-taught ang pinakawalan ko. Major major kilig to the maximum super highest level na ito.
Ako si Pipay na crush pala ni Makoy. #
No comments:
Post a Comment